what’s for dinner???

everyday ako nag-iisip nyan, dahil kelan lang naman ako natuto magluto, excited ako magluto, sa office palang ako, iniisip ko na yan, hahaha… nauuna ako dumating sa bebe ko, gusto ko pagdating nya, dinner’s ready na, yun kasi yung way ng pagsisilbi ko sa kanya eh, though he’s not obliging me, nung mga unang days namin nga together eh nag-oorder pa kami ng food kasi pareho kaming di marunong magluto, hahaha. pero dahil feel na feel ko na married na ako, i learned how to cook. it all started with recipes downloaded from the internet, i just followed the instructions, and voila, natutunan ko na rin, hahaha… my first ever food na naluto ay pasta, dahil paborito ko to, hehehe..

6pm nasa haus na ako, dating nya 7pm pa, medyo malayo din kasi workplace nya. i enjoy cooking, in fairness, ang sarap kasing nakikita ang hubby ko na kumakain ng niluluto ko, di muna ako susubo until makasubo na sya at mag-comment, haha (ang adeek). and so far, lagi naman syang nasasarapan, hehe (bias sya😛 ).

i know how to cook adobo, caldereta, kare-kare, sinigang, spaghetti, tinola, igado at marami pa, asus, hehe. masarap naman, sabi ng bebe ko yan eh, hahaha. ano kaya lulutuin ko mamaya? hmmmm… nagugutom tuloy ako, hahaha….

dinner is ready…. later😛

6 Comments

  1. ifoundme said,

    June 9, 2008 at 7:14 am

    syet! isang takot ko parati eh baka hindi magustuhan ang luto ko although di pa ako married. sa lahat ng bagay medyo gifted ako pero pagdating sa pagluto, medyo… waaaahhh!!! kaya kita rin sa katawan ko.

    buti naman nasasarapan si hubby mo. dapat lang kasi sobrang planning and preparation ang ginagawa mo.

  2. wifeybee said,

    June 9, 2008 at 7:57 am

    takot lang nya di makakain pagdating, hahaha… ifound, gumamit ka ng ginisa mix, sasarap ang lutuin mo, hahaha…

  3. kengkay said,

    June 9, 2008 at 11:35 am

    nung dumating ako dito sa alemanya, di ako marunong magluto. si kengkoy luto ng luto para sa kin, nung nabuntis ako, nasuka-suka na ako sa luto ni kengkoy kasi gusto ko na ng pinoy food. ayun, bigla akong natutong magluto minsan pa nga asa telepono si nanay ko at itinuturo kung papano, hahaha

  4. duskfading said,

    June 9, 2008 at 4:21 pm

    uy dame mo pla alam lutuin. share ka din ng mga recipes mo whehehe…

  5. brotherutoy said,

    June 10, 2008 at 5:33 pm

    hi, wifeybee!
    salamat sa pagdaan mo sa blag-blagan ko! newbie rin ako, tulad mo.
    ako, i’m a big fan of tinola and pesa. sa seminaryo, napilitan akong matutong magluto kasi paglulutuin ka talaga. ang specialty ko? basta, hiwain ang karne (kahit anong karne: manok, baboy, baka, kambing, bayawak..) at pakuluan, igisa sa bawang at sibuyas, lagyan ng patatas at bellpepper, lutuin sa tomato sauce, timplahan ng asin at paminta. pag kumulo, ihain at mag-isip ng pangalan ng dish. hehehe…
    i’m adding you on my blogroll. syempre, kasi newbies support each other. atsaka, pramis, dadalaw ulit ako dito.
    Go bless!

    hahaha, i’ll add you up too😉 alam mo ba, ganyan din ang niluluto ko nuon, pinapangalanan ko lang na AFRITADA kunwari, hehe… salamat sa pagdalaw… have a nice day, Godbless!

  6. June 11, 2008 at 7:23 am

    naku wifeybee…goodluck sa magiging husband ko at sa mga lulutuin ko sa kanya hehehe…=)

    sweet talaga ni wifeybee…swerte ni hubby! =)

    hehehe, naku pag love ka daw naman, masarap pa rin ang luto kahit hindi😛


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: