Papu

hindi ko alam kung pano ko uumpisahan, ewan ko ba, lost of words ako basta ikaw ang pinag-uusapan, walang pagsidlan ang tuwa ko dahil ikaw ang naging tatay ko. no words can express how much grateful i am to be your daughter.

Photobucket

10 years old ako noon ng lakas loob mo kaming iwanan patungo sa gitnang silangan para sa aming magandang kinabukasan, kumportable naman tayong namumuhay, kung hindi lang nagsara ang inyong kumpanyang pinagtatrabahuan, kaya kinailangan mong lumayo at umalis ng bansa, malungkot man na iwan mo kami at malayo sa amin, di mo na alintana basta kami’y mabigyan ng masaganang pamumuhay.

masaya naman tayo kahit malayo sa isa’t isa, lagi kang tumatawag, tayo ay nagsusulatan at di mo nakakalimutang ipaalala na kami’y mag-aral ng mabuti. wag mag-aaway at sumunod kay mamu at malupit doon ay pinapaalala mo samin na laging mag-sipilyo (hehe). damang-dama namin ang iyong pagmamahal. taon-taon ang bakasyon mo, itinataon sa bakasyon namin at di mo pinapalagpas ang recognition day namin, sinisikap ko na may medalya para makaakyat ka sa stage sa pag-uwi mo, dun lang naman ako makakabawi sayo.🙂 wala kasing sasarap sa ngiti mo at banaag sa mukha mo na ipinagmamalaki mo ako…

ngunit dumating sa atin ang pagsubok, nagkasakit ang mahal mong kabiyak, si mamu, alam kong nalulungkot ka, alam kong mahirap para sayo, pero di mo kami pinag-alala, sinikap mong itaguyod pa rin kami sa kabila ng mga problema, di pa rin kami nahirapan sa pamumuhay. apat na taong labas-masok sa ospital si mamu pero di ka sumuko at patuloy mo kaming binibigyan ng rason para mamuhay ng normal. ikaw ay nakikipagsapalaran parin sa ibang bansa upang matustusan ang pampagamot sa kanya at upang huwag kaming mahirapan sa buhay. lungkot na lungkot ako ng magpaalam na si mamu at di mo naabutang sya ay humihinga.(2005)

ipinagpatuloy natin ang buhay ng wala si mamu, mas lalo tumibay ang ating samahan bilang tatay at anak. at ngayon ay nag-retiro ka na sa pagiging ofw, panahon na para pagtuunan mo na ang sarili mo, mag-enjoy ka lang at sasamahan ka namin, kahit nag-asawa na ako, aalagaan pa rin kita, mahal na mahal kita papu, miss na miss na rin kita, Happy father’s day to the greatest father, Mr. Rodolfo…

3 Comments

  1. eloiski said,

    June 15, 2008 at 12:34 pm

    oh yeah!
    papa’s girl si ako kaya alam ko po nisasabi mo lalo na sa intro!
    nakipagsapalaran rin si papa ko sa other country at nandun pa rin hanggang ngaun! wafakels!
    yaong sulatan, aysus! nag-enjoy ako dyan! tuwang-tuwa ako pag sumuslat si tatay sa akin noon. hindi pa aksi uso tawag at chat eh

    sis, sa landline kasi sya tumatawag, saka nauso rin nun yung mga celphone na malalaki, yung pangkaskas ng yelo, hahaha… (analog) … papa’s girl din here😉

  2. brotherutoy said,

    June 15, 2008 at 5:46 pm

    happy father’s day rin po, Mr. Rudolfo!
    napansin ko ito sa mga ate ko at sa iyo rin. ang first hero nila, tatay nila. at ang una nilang ideal man, parang replica ng mga tatay rin nila.
    alam mo, medyo nagpigil ako konti ng luha sa bandang end ng post mo. mahal na mahal mo talaga ang dad mo.
    God bless!

    thanks bro, teary-eyed ako ng sinulat ko ito, happy father’s day ulet sa dad mo🙂

  3. June 15, 2008 at 6:36 pm

    happy father’s day to your dad Mr. Rodolfo! =)

    kakarelate ako ng sobra kasi si papa, ofw din, hay, ayaw pa mag-resign sa kakakayod hehehe =)

    medyo totoo ung sabi ni brother utoy, pero si bf eh nde ko naman ideal man ahihi…pero in time napansin ko parang pareho na sila ni papa…=)

    hehehe, nag-resign si papa eto lang, nung april lang, kinasal na daw kasi ako, hahaha…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: