pinoy sa likod ng kurtina (forwarded email)

Disclaimer: ang sumusunod na kwento ay hindi pangyayari para sa lahat ng pinoy sa uae… merong sinuwerte, merong hindi naman masyado… ang layunin lang nito ay maliwanagan ang ating mga kababayan na hindi puro sarap ang maging isang ofw… hindi rin nito layunin na siraan ang dubai, nasa inyo pa rin ang huling desisyon…

Over a thousand Filipinos arrive in Dubai every month. And why not?
Literally, the sun shines here all year round; prosperity is in the air; and it’s a place where people have reasons to dream of waking up in the morning as millionaires or with kilos of gold on their lap!

Yun nga lang, habang hindi pa nangyayari yun, iba ang nakikita ng maraming Pinoy pagdilat nila sa umaga — kurtina!

Betcha by golly wow! Paano ko ie-explain to fascinated Pinoys back home our living condition here!
Noong una akala ko isolated cases. But with the skyrocketing apartment rents in this City of Gold, such conditions are becoming the norm.

Sideways…sidesteps

Hindi yan dance step. That’s the latest move ngayon sa mga sharing flats. Sa sobrang liit ng space, patagilid ang galaw. Kaya minsan, mga ka-flatmates, hindi na magkakitaan. “Hoy, where have you bee n, ba? Hindi ka na umuuwi sa flat!” Kasi nga lagi silang naka-sideview!

Warning: Smoking is dangerous to your room.

Hindi health reasons ang dahilan bakit bawal magyosi, no! Ang styrofoam kuya!
Yes, naunahan ng Pinoy ang IKEA sa innovation na yan — Yes, styrofoam walls, styrofoam doors, styrofoam room. Di ba nga naman, styrofoam keeps you fresh! Para kang gulay, o kaya ice candy. Pero siguro mas feel mo minsan na ‘tuna’ ka, o di kaya ‘sirena’ kung feel mong si Claudine ka.
“Ate, di ba fire hazard yan?” “Anong fire ka dyan? Rent ang mas nakakamatay dito!”
“Illegal ang partitions sa Dubai. At least ang styrofoam, pag nagkahulihan, mabilis sa baklasan. Gets mo?!!!” “Yes, Ate.”
Therefore, ‘no smoking’: ang sirena baka maging daing!
Burj Al ‘Cupboards’
Hindi lang Emaar Properties ang may ‘K’ na magtayo ng skyscrapers? Haven’t we heard, the Philippines is a major supplier of architects in Dubai ? In other words, nasa dugo natin yan! Kaya ba ng Arabong gumawa ng rooms out of cupboards, luggages and shoe boxes?
Dati sa airport lang bida ang mga luggages, ngayon multi-purpose na: dividers na rin sila — para ang isang kwarto maging lima!
Pampataas sila sa mga cupboards kasama ng mga shoe boxes na pinaka-antenna.
Siyempre, the taller the better — you keep your neighbor’s eyes away.

Now Showing

Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic!!! Parang barangay, complete with eskinitas. Kada bukas ng telon, parang movie — sari-saring life. May natutulog, may nag-eemote, may nka-curlers, may nakasimangot. Sa panlimang kurtina, may nag-totong-its, sa pang-anim, may naggugupit.
Ang gandang movie, di ba? “Ang Pinoy sa Likod ng Kurtina!”

Paraisong Kurtina


Ayyy! Our Paraisong Kurtina. It can make you laugh, it can make you cry.
Be proud of our Paraisong Kurtina. It exists because we’d rather send our money home than spend more for our comfort. Within its walls, lies our desire for a little privacy, our groans, our tears, our dreams, our struggle for some little savings. My curtain says a lot. It says, “I have saved again, inay; I’ll be able to send money next month.”
Dream mo pa bang pumunta ng Dubai ????
Mag isip-isip….

Advertisements

putek! sayang!

naranasan mo na ba na maiwanan ng bus na hinahabol mo na kung kelan nasa likod ka na nito ay bigla nalang umandar? putek, sayang! nangyari sakin yan nung isang huwebes, halfday lang kasi ako at wala akong carlift pag huwebes, kaya uber habol lagi ako sa oras para maabutan lang ang bus na pang 12:45pm, dahil kung hindi ko maabutan yun, malamang sa oo ay 2:30pm na ako ulit makakasakay. nakakahinayang talaga dahil napagod pa ako sa pagtakbo, pawisan na naiwanan pa… hahahaha…

pero walang sasayang dahil ngayong buwan, niregla na naman ako (paumanhin sa termino), regla na naman nabuo namin ni bebe ko. putek, sayang!!! 😦

Photobucket

ang buhok

i have this long hair for years now, siguro 2003 pa mahaba ang hair ko. hahaha… before akong magpahaba, ang buhok ko ay “gupit siete” o kung tawagin ay “gupit-pogi”. naka-gel pa nga ako nun eh, tawag sakin diether ocampo, minsan naman amor powers (eula valdez sa pangako sa iyo, wehehehe). at mahaba pa buhok ni bebe sa buhok ko, wahahaha…

ngayon naman, naging super haba ng hair ko, hanggang pwet na! wehehehe, medyo nagupitan na kaya hanggang bewang nalang, nyak!

sa init dito sa dubai, medyo mahirap magpahaba ng hair kaya ako ay nagpagupit na 😛

Photobucket before
Photobucket after

tinago ko yung ginupit na hair ko, remembrance ba 😛 buti nalang pinay yung gumupit sa akin, hindi na ako masyado nahiya magsabi na pakiipon yung buhok ko, hahaha… kaso ginto ang gupit dito, pumapatak na 800 pesos, gupit lang, lintek! hahaha…

what can you say about my hair? 😛

doble trese

hulyo trese ng 2008, ang edad ko’y naging doble trese… napakasaya ng selebrasyong binigay ni bebe sa akin. friday palang, naghanda na sya ng salo-salo para sa mga kaibigan at kapamilya namin dito sa uae, umaga, nagtext sya sa mga kaibigan namin na may get together ng 430pm, merienda time. pumunta kami ng al falah plaza para bumili ng mga food na ihahanda, to sum it up, naghanda kami ng pizza and chicken and some sweets, nagluto na rin ako ng macaroni spag, pandagdag, hehehe….

Photobucketpizza, pasta & chicken
Photobucketnew look, ahaha

kainan, chikahan at kantahan ang salo-salo kung saan masaya ang lahat at natapos ng 12mn.
Photobucket

sabado, di ako pumasok, plano ko na talaga na hanggang linggo ang bakasyon ko, self-declared bday leave ba, hehehe… so natulog lang ako til 12noon, nagrelax at naghintay sa pag-uwi ni bebe. 730pm na, wala pa ang bebe ko, 7pm na ang pinakamatagal na pagdating nya, tawag ako ng tawag kasi nga naiinip na ako, hindi sumasagot. nung makontak ko, naglalakad na daw sila kasama nya yung kumpare namin na ka-flatmate din namin, wala akong in-expect o naisip na baka may surprise sya o kung anuman, basta excited lang ako para sa kinabukasan dahil aabsent din sya, hehehe…

pagdating nya, pawisan sila kasi nga 45 degrees ang init dito at naglakad pa sila, wala namang kakaiba sa mga kilos nya, nung kumakain na kami, sabi nya, bebe, wala akong gift sayo ha, sabi ko naman, ok lang no, maglalakwatsa naman tayo bukas pero bili mo ako ng cake ha! (nadistort kasi yung cake na binili namin nung friday kasi nabaliktad nya, hehehe). yun lang, after kumain, nagpahinga kami tapos sabi nya:

bebe: idlip muna tayo bebe, pero gisingin mo ako ng 12 ha
me: sige, pero bakit gigisingin pa kita?
bebe: wala, babatiin lang kita ng happy birthday
me: ngek, corny mo! hahaha…

sa madaling salita, nagising nga kami ng 12mn, binati nya ako ng happy birthday bebe! lumabas sya, sabi nya mag-cr lang daw sya, so ako naman, nag-ready to sleep na at humiga na pero nanunuod pa ako ng tv, tapos may kumatok sa pinto, binuksan ko kasi kala ko si mia (anak nila pareng caloy), babatiin siguro ako, pagbukas ko, nandun sila ate merz, pareng caloy, mia at bebe, may dalang cake with candle at gift at kumanta sila ng happy birthday, lintek, di ako nakahanda, nakapantulog na ako at nagtanggal na ng contacts at oily na ang face, hahaha, diko ma-express ang feeling ko, kala ko sa tv lang nangyayari ang mga ganun, hinipan ko na ang kandila pero nagwish muna ako, sympre secret ang wish ko, para magkatotoo, hehehe… na-overwhelm ako kasi marunong na talaga magsurprise si bebe at in fairness hindi ko sya nabuko unlike before na sa super excited nya, nasasabi nya ang mga surprises nya sakin…

Photobucket my beeday cake, di nakuhanan, yung pagblow ko ng candle, hehehe…
Photobucket di ako nakapaghanda, hehehe
Photobucket pocot family
Photobucket with bebe, ang oily ko, hahaha
Photobucket
Photobucket at syempre, ang gift nya nung oras na yun… walang kasawaan sa bag, hehehe…

kinabukasan, we started the day with praying the rosary, tapos naligo na kami, pinagshopping nya ako ng damitPhotobucket pero sya bumili rin ng sapatos (birthday din? )

dumaan sa simbahan, walang simba kasi 1130am yun, kumain kami in a pinoy resto, gusto nya kasi ng bulalo, wahahaha, parang sya may birthday ah, tapos naglakad lakad lang kami sa megamall, (yup may megamall din dito).

at matindi dun, kahit di ko naman pinabili, pinagpilitan nya ito:
Photobucket

bebe, salamat sa napakasayang kaarawan ko, love you very much. happy birthday to me!!!

my angel mamu

mag-tatatlong taon na mula ng lisanin mo ang mundo, apat na taon kang lumaban para sa amin, nilabanan mo ang sakit mo dahil ayaw mo kaming iwan. palagi naming tanong kung bakit ikaw pa ang nagkaroon ng ganyang sakit, bakit ikaw na mabait at matulungin ang nakaranas ng pahirap dahil sa sakit mong diabetes.

labas-masok tayo sa ospital nun, nawalan ka ng paningin, pero di naging sagabal ito para maging ina ka pa rin sa amin, tanggap ko na yun, pero nahirapan akong nakikita kang nasa dialysis room dahil humina na ang iyong kidney dulot ng kumplikasyon na rin ng sakit mo. dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo nasa ospital ka para sa session mo, ngunit kahit ganun ang kalagayan mo, pinilit mo pa ring mabuhay ng normal, hindi nawala sayo ang pagiging masayahin.

isang taon ang nakalipas mula nang i-dialysis ka, kadarating ko lang mula sa office nun, si utol umiiyak at tumakbo sa akin, hindi ka na daw humihinga, humagulgol kaming dalawa dahil wala ka na. malungkot kami ng kunin ka na samin ng Maykapal, pero masaya na rin kami dahil dyan sa lugar mo ngayon, wala ka ng sakit na mararamdaman, hindi ka na mahihirapan… 😦

nangungulila ako sayo mamu, miss na miss ko ang lahat sayo, sayang lang at di mo na nasasaksihan ang mga pangyayari sa buhay ko, di ka na nakadalo sa kasal ko pero alam ko kahit wala ka sa tabi namin physically, patuloy mo lang kami ginagabayan sa bawat araw.

mahal na mahal kita mamu, miss na miss kita, anong handa mo dyan? maligayang bati sayo ha!

mamu – (july 6, 1954-october 22,  2005)

isang buwan

isang buwan na pala ang lumipas mula ng magkaroon ako ng blog, yehey! nakatagal din ako, hahaha… ano naman napala ko? hehehe… sa totoo lang, nakakalipas oras talaga ang pag-bloblog, im loving it since petiks ako sa work. napapagana ko pa ng konti ang utak ko sa paraan ng pag-iisip ng pwedeng mailathala (ang lalim, whoaa).

nakakilala ng kapwa blogger, natututo at nadadagdagan ang kaalaman sa pagbabasa ng blog ng may blog at tunay na nakakaaliw pag may bumibisita sa site mo.

sa isang buwan, naka 21 posts ako, pang 22 ito (whew), may 640+ na napadpad (mabuhay kayo!) at may 20 bloggers sa blogroll ko! (mahal ko kayo, kahit yung iba wala ako sa link nila, nyahahaha).

salamat sa mga napadaan, sa mga nagbigay kumento at sa mga nag-aksaya ng oras silipin ang blog ko. im so touched 😛 wag sana kayo madala sa pagdaan… hehehe

cheers for more entries to come… yahuuuuuuu !!!

***maligayang ika-2 buwan ng pag-iisang dibdib pala sa bebe ko …. may gagawin tayo mamaya 😉

desert safari

if you are in Dubai or wanting to visit Dubai, you should not miss the desert safari… ayos naman, wala akong bayad sa pag-endorse nito ha, hehehe…

the tour includes the ff:
pick up & drop off of a 4×4 land cruiser
dune bashing
camel riding
arabic costume
henna tattoo
shisha
belly dancing
and a buffet dinner (BBQ dinner)

we have this already last april 2008, at talagang nag-enjoy ako, ang saya ng binabalibag ka, ahaha… kung napanuod nyo yung movie na Dubai, eto yung kung saan nagsuka si John Lloyd (gross, hehehe). daig ko sya, dahil di ako nagsuka…

check out the pics 😉
Photobucket sa disyerto, hehe

Photobucket ang bigat daw namin sabi nung camel, haha

Photobucket

Photobucket

Photobucket ang sexy nya!

Photobucket one souvenir you can buy at the camp, it’s personalized, AED 45, pero natawaran namin, AED 40 nalang, hehe… it’s the seven sands, representing the 7 emirates of uae.

the tour costs around AED 150, kung group kayo of 6 persons, mas makakamura, AED 800 lang for 6pax, hehe…

hulyo naaaa!

excited ako pag july, kasi malapit na ang birthday ko… yipeeeee!!!

july kasi is my birth month
* cancer ang zodiac sign ko ( pero wala akong cancer ha, hihi )
* ruby naman ang birthstone ko… (rubee ang name ko, hindi dahil yan ang birthstone ko, dahil pinagsama ang nicknames ng papu & mamu ko, which is, rudy & baby, hahahaha)

ano kaya gagawin namin ni bebe? ahaha…

let’s enjoy life, another year will be added to mine, praise the Lord… 🙂 Godbless us all dear bloggers…