my angel mamu

mag-tatatlong taon na mula ng lisanin mo ang mundo, apat na taon kang lumaban para sa amin, nilabanan mo ang sakit mo dahil ayaw mo kaming iwan. palagi naming tanong kung bakit ikaw pa ang nagkaroon ng ganyang sakit, bakit ikaw na mabait at matulungin ang nakaranas ng pahirap dahil sa sakit mong diabetes.

labas-masok tayo sa ospital nun, nawalan ka ng paningin, pero di naging sagabal ito para maging ina ka pa rin sa amin, tanggap ko na yun, pero nahirapan akong nakikita kang nasa dialysis room dahil humina na ang iyong kidney dulot ng kumplikasyon na rin ng sakit mo. dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo nasa ospital ka para sa session mo, ngunit kahit ganun ang kalagayan mo, pinilit mo pa ring mabuhay ng normal, hindi nawala sayo ang pagiging masayahin.

isang taon ang nakalipas mula nang i-dialysis ka, kadarating ko lang mula sa office nun, si utol umiiyak at tumakbo sa akin, hindi ka na daw humihinga, humagulgol kaming dalawa dahil wala ka na. malungkot kami ng kunin ka na samin ng Maykapal, pero masaya na rin kami dahil dyan sa lugar mo ngayon, wala ka ng sakit na mararamdaman, hindi ka na mahihirapan…😦

nangungulila ako sayo mamu, miss na miss ko ang lahat sayo, sayang lang at di mo na nasasaksihan ang mga pangyayari sa buhay ko, di ka na nakadalo sa kasal ko pero alam ko kahit wala ka sa tabi namin physically, patuloy mo lang kami ginagabayan sa bawat araw.

mahal na mahal kita mamu, miss na miss kita, anong handa mo dyan? maligayang bati sayo ha!

mamu – (july 6, 1954-october 22,  2005)

10 Comments

  1. naglalambingnacute said,

    July 7, 2008 at 12:28 pm

    aaawww… =( we miss u tita baby.. i remember her as sweet, jolly and caring tita.. grabe sobrang na sad tuloy ako… naalala ko xa.. ei cuz tnx sa tutorial ahaha my first comment =)

    grabe, teary-eyed ako habang ginagawa ko tong entry na to… no prob cuz, enjoy blogging!

  2. Aling Baby said,

    July 7, 2008 at 12:33 pm

    😦 nakakaiyak naman ‘tong pagbati mo. madali pa naman ako maluha sa mga gantong entry. pibertdei sa mamu mo…amshur magarbo ang handa niya dun at sarado ang kalsada dahil sa party niya.🙂 at panigurado, hapi din siya para sa inyong mga naulila niya dahil alam niya nasa mabuti kayong kalagayan.🙂

    salamat sis, nakakalungkot talaga, yup i know, she’s in a much better place…

  3. winkii said,

    July 7, 2008 at 4:59 pm

    hindi ko maimagine ang buhay kapag nawala ang mamu ko, kaya sigurado iiyak din ako kapag nawala siya.. :(( kalungkot. *bloghoplang*

    salamat sa pagdaan, sensya kung nalungkot ka…

  4. ayyzzz said,

    July 7, 2008 at 6:31 pm

    nakakalungkot..

    HAPIBDAY PO SAYO MAMUU..

    naku di ko maimadyen kung mawawalan ako ng nanay…
    hindi ko kakayanin.

    aylabmahmumsumatsh..

    kaya, treasure your moment with her…🙂

  5. kamotenista said,

    July 8, 2008 at 5:38 am

    malungkot at masaya….

    malungkot kasi pag maganyan sa picture na lang natin sila nakikita.masaya kasi hindi na nila makikita o mararanasan ang hirap ng buhay.

    sana hwag muna kunin ni kuya Jesus si nanay ko…i still need her.

    love your mom, show and tell her lang🙂

  6. July 8, 2008 at 1:19 pm

    nakakalungkot naman. Naalala ko tuloy ung mama ko. Andito pa naman ako sa malayo.

    just dont forget to tell your mom how much you love her…🙂

  7. abby said,

    July 8, 2008 at 7:28 pm

    kagaya ng mga commenters nakakalungkot nga ang entry mo. pero ganyan minsan ang buhay wla talaga tyo magagawa.

    kaya we have to treasure every moment we have with our loved ones🙂 thanks sa pagdaan

  8. BADoy said,

    July 9, 2008 at 10:11 am

    nalungkot ako sa kwento mo wifeybee😦 i cant imagine that it will happen to my mom!😦 whaaaaaaa

    just continue to love her… tell her and show her your love🙂

  9. kengkay said,

    July 9, 2008 at 1:50 pm

    what a sweet tribute to your mom!

  10. taps said,

    July 9, 2008 at 3:24 pm

    hay diabetes…

    talo tayo dyan…

    pero ang sarap ng coke saka sarap kumain ng maraming kanin at sarap mag chocolates…😦


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: