doble trese

hulyo trese ng 2008, ang edad ko’y naging doble trese… napakasaya ng selebrasyong binigay ni bebe sa akin. friday palang, naghanda na sya ng salo-salo para sa mga kaibigan at kapamilya namin dito sa uae, umaga, nagtext sya sa mga kaibigan namin na may get together ng 430pm, merienda time. pumunta kami ng al falah plaza para bumili ng mga food na ihahanda, to sum it up, naghanda kami ng pizza and chicken and some sweets, nagluto na rin ako ng macaroni spag, pandagdag, hehehe….

Photobucketpizza, pasta & chicken
Photobucketnew look, ahaha

kainan, chikahan at kantahan ang salo-salo kung saan masaya ang lahat at natapos ng 12mn.
Photobucket

sabado, di ako pumasok, plano ko na talaga na hanggang linggo ang bakasyon ko, self-declared bday leave ba, hehehe… so natulog lang ako til 12noon, nagrelax at naghintay sa pag-uwi ni bebe. 730pm na, wala pa ang bebe ko, 7pm na ang pinakamatagal na pagdating nya, tawag ako ng tawag kasi nga naiinip na ako, hindi sumasagot. nung makontak ko, naglalakad na daw sila kasama nya yung kumpare namin na ka-flatmate din namin, wala akong in-expect o naisip na baka may surprise sya o kung anuman, basta excited lang ako para sa kinabukasan dahil aabsent din sya, hehehe…

pagdating nya, pawisan sila kasi nga 45 degrees ang init dito at naglakad pa sila, wala namang kakaiba sa mga kilos nya, nung kumakain na kami, sabi nya, bebe, wala akong gift sayo ha, sabi ko naman, ok lang no, maglalakwatsa naman tayo bukas pero bili mo ako ng cake ha! (nadistort kasi yung cake na binili namin nung friday kasi nabaliktad nya, hehehe). yun lang, after kumain, nagpahinga kami tapos sabi nya:

bebe: idlip muna tayo bebe, pero gisingin mo ako ng 12 ha
me: sige, pero bakit gigisingin pa kita?
bebe: wala, babatiin lang kita ng happy birthday
me: ngek, corny mo! hahaha…

sa madaling salita, nagising nga kami ng 12mn, binati nya ako ng happy birthday bebe! lumabas sya, sabi nya mag-cr lang daw sya, so ako naman, nag-ready to sleep na at humiga na pero nanunuod pa ako ng tv, tapos may kumatok sa pinto, binuksan ko kasi kala ko si mia (anak nila pareng caloy), babatiin siguro ako, pagbukas ko, nandun sila ate merz, pareng caloy, mia at bebe, may dalang cake with candle at gift at kumanta sila ng happy birthday, lintek, di ako nakahanda, nakapantulog na ako at nagtanggal na ng contacts at oily na ang face, hahaha, diko ma-express ang feeling ko, kala ko sa tv lang nangyayari ang mga ganun, hinipan ko na ang kandila pero nagwish muna ako, sympre secret ang wish ko, para magkatotoo, hehehe… na-overwhelm ako kasi marunong na talaga magsurprise si bebe at in fairness hindi ko sya nabuko unlike before na sa super excited nya, nasasabi nya ang mga surprises nya sakin…

Photobucket my beeday cake, di nakuhanan, yung pagblow ko ng candle, hehehe…
Photobucket di ako nakapaghanda, hehehe
Photobucket pocot family
Photobucket with bebe, ang oily ko, hahaha
Photobucket
Photobucket at syempre, ang gift nya nung oras na yun… walang kasawaan sa bag, hehehe…

kinabukasan, we started the day with praying the rosary, tapos naligo na kami, pinagshopping nya ako ng damitPhotobucket pero sya bumili rin ng sapatos (birthday din? )

dumaan sa simbahan, walang simba kasi 1130am yun, kumain kami in a pinoy resto, gusto nya kasi ng bulalo, wahahaha, parang sya may birthday ah, tapos naglakad lakad lang kami sa megamall, (yup may megamall din dito).

at matindi dun, kahit di ko naman pinabili, pinagpilitan nya ito:
Photobucket

bebe, salamat sa napakasayang kaarawan ko, love you very much. happy birthday to me!!!

14 Comments

  1. Kevin Paquet said,

    July 14, 2008 at 2:30 pm

    Hello,

    Blogghopping!

    I’m Kevin Paquet from Pinoy Teens Online pinoyteens.net
    Care to link exchange with that blog of mine?^^,)

    Hope you would comment back and that I can know you guys hosted on wordpress.com better^^,)

    Ingat,
    pinoy teens org CEO

    hello, salamat sa pagtalon, sige, i-add kita, salamat, please keep on hopping, hehehe

  2. apollo said,

    July 14, 2008 at 2:44 pm

    uy sweet ng fafa mo. good luck po sa inyo and belated happy birthday!

    thank you sa greeting🙂 di mo po iniwan url mo😛

  3. Aling Baby said,

    July 14, 2008 at 3:50 pm

    uyy, belated Pibertdei seyo!! ang saya ah, andaming surprises hehe…answit naman ng bebeMo.🙂 ganyan din ang lablayp ko pag asa mood hehe….

    hehehe, thanks! regards kay lablayp mo,😉

  4. mhar said,

    July 15, 2008 at 2:19 am

    belated hapi bday dau ate. answeeet nyo naman. hmm.. lan taon ka na kaya?

    salamat mhar, hmmp, di mo yata binasa😛 doble trese nga😛

  5. kamotenista said,

    July 15, 2008 at 5:19 am

    belated aperday…ilang taon kana?wahaha

    kakagutom na naman…share your blessings!

    god bless

    mukhang nagutom ka nga, kasi di mo nabasang doble trese na edad ko, hahahaha…. Godbless too

  6. ayyzzz said,

    July 15, 2008 at 10:33 am

    beleyted apei bordey
    ate wifeyy!!

    weee..

    nakakagutom! nemennn!

    hehehe…

    salamat ayzzz!

  7. dhez said,

    July 15, 2008 at 6:17 pm

    Belated wifeyy!!! huwaw naman… you deserve all of that!😉

    thanks dhez🙂

  8. taps said,

    July 15, 2008 at 7:40 pm

    belated wifey!

    taps, salamat🙂

  9. kengkay said,

    July 16, 2008 at 12:47 pm

    ang sarap talaga ng may mga close friends kapag berdey mo ano? inggit naman ako, waaa… pero di bale na, nakisaya na rin ako sa ka berdeyan mo. belated!

    hahahaha, salamat ms. kengks, pero puro kaibigan ni habibi mga yan, nakikaibigan lang ako, hahaha…

  10. July 17, 2008 at 10:51 am

    Hay, kung ganyan ba naman lagi ang buhay may asawa eh papakasal na ako agad…sana maging ganyan din si Jawibi kapag naibigti (hehehe) na ako sa kanya…)

    Belated happy birthday! Your blog is becoming more interesting sa anecdotes nyo ni bebe mo… =)

    hahaha, salamat naman sis🙂

  11. angel said,

    July 17, 2008 at 5:49 pm

    aww sweet naman..😀 Yung cake meron pala nun.. ahihihi.. minsan hahanap din ako ng may kiwi..

    Nakikibati lang din po ng “belated Happy Birthday” tsaka nakikidaan po.. ahehehe

    yup, meron nga nun, fave color ko kasi ang green, eh yun lang daw ang may green color na cake nung bumili si habibi, salamat din sa pagdaan😉

  12. BADoy said,

    July 18, 2008 at 4:34 am

    nakakagutom wifeybee…sweet ng hubby mo a… sana kinuha ko sya ninong pra may cellphone din ako pag berthday ko hehehe!

    wahahaha, sayang nga naman badoy😆

  13. Lambing said,

    July 18, 2008 at 7:36 am

    nyahaha.. nagutom ako , sweet naman ni bebe! ayan batiin ulit kita ng hapi bday.. paki sabi kay bebe next june bday ko din wahahaha🙂

    salamat cuz😉 sige sabihin ko… hahaha

  14. binxxnib said,

    July 19, 2008 at 8:47 am

    hello wifeybee! i’m binxxnib from wp-pinoys. belated happy birthday. nice phone!🙂

    hi binx🙂 thanks for the greeting…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: