pinoy sa likod ng kurtina (forwarded email)

Disclaimer: ang sumusunod na kwento ay hindi pangyayari para sa lahat ng pinoy sa uae… merong sinuwerte, merong hindi naman masyado… ang layunin lang nito ay maliwanagan ang ating mga kababayan na hindi puro sarap ang maging isang ofw… hindi rin nito layunin na siraan ang dubai, nasa inyo pa rin ang huling desisyon…

Over a thousand Filipinos arrive in Dubai every month. And why not?
Literally, the sun shines here all year round; prosperity is in the air; and it’s a place where people have reasons to dream of waking up in the morning as millionaires or with kilos of gold on their lap!

Yun nga lang, habang hindi pa nangyayari yun, iba ang nakikita ng maraming Pinoy pagdilat nila sa umaga — kurtina!

Betcha by golly wow! Paano ko ie-explain to fascinated Pinoys back home our living condition here!
Noong una akala ko isolated cases. But with the skyrocketing apartment rents in this City of Gold, such conditions are becoming the norm.

Sideways…sidesteps

Hindi yan dance step. That’s the latest move ngayon sa mga sharing flats. Sa sobrang liit ng space, patagilid ang galaw. Kaya minsan, mga ka-flatmates, hindi na magkakitaan. “Hoy, where have you bee n, ba? Hindi ka na umuuwi sa flat!” Kasi nga lagi silang naka-sideview!

Warning: Smoking is dangerous to your room.

Hindi health reasons ang dahilan bakit bawal magyosi, no! Ang styrofoam kuya!
Yes, naunahan ng Pinoy ang IKEA sa innovation na yan — Yes, styrofoam walls, styrofoam doors, styrofoam room. Di ba nga naman, styrofoam keeps you fresh! Para kang gulay, o kaya ice candy. Pero siguro mas feel mo minsan na ‘tuna’ ka, o di kaya ‘sirena’ kung feel mong si Claudine ka.
“Ate, di ba fire hazard yan?” “Anong fire ka dyan? Rent ang mas nakakamatay dito!”
“Illegal ang partitions sa Dubai. At least ang styrofoam, pag nagkahulihan, mabilis sa baklasan. Gets mo?!!!” “Yes, Ate.”
Therefore, ‘no smoking’: ang sirena baka maging daing!
Burj Al ‘Cupboards’
Hindi lang Emaar Properties ang may ‘K’ na magtayo ng skyscrapers? Haven’t we heard, the Philippines is a major supplier of architects in Dubai ? In other words, nasa dugo natin yan! Kaya ba ng Arabong gumawa ng rooms out of cupboards, luggages and shoe boxes?
Dati sa airport lang bida ang mga luggages, ngayon multi-purpose na: dividers na rin sila — para ang isang kwarto maging lima!
Pampataas sila sa mga cupboards kasama ng mga shoe boxes na pinaka-antenna.
Siyempre, the taller the better — you keep your neighbor’s eyes away.

Now Showing

Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic!!! Parang barangay, complete with eskinitas. Kada bukas ng telon, parang movie — sari-saring life. May natutulog, may nag-eemote, may nka-curlers, may nakasimangot. Sa panlimang kurtina, may nag-totong-its, sa pang-anim, may naggugupit.
Ang gandang movie, di ba? “Ang Pinoy sa Likod ng Kurtina!”

Paraisong Kurtina


Ayyy! Our Paraisong Kurtina. It can make you laugh, it can make you cry.
Be proud of our Paraisong Kurtina. It exists because we’d rather send our money home than spend more for our comfort. Within its walls, lies our desire for a little privacy, our groans, our tears, our dreams, our struggle for some little savings. My curtain says a lot. It says, “I have saved again, inay; I’ll be able to send money next month.”
Dream mo pa bang pumunta ng Dubai ????
Mag isip-isip….

16 Comments

  1. winkii said,

    July 27, 2008 at 10:10 am

    balik na lang kayo dito sa Pilipinas.πŸ™‚

    uyy, pakiboto naman po ako sa idol blog,
    may link po sa blog ko.πŸ™‚

    salamat!!!

    “Si winkii: Ang Prinsesa”

    hahaha, in fairness, isa naman ako sa biniyayaan, hehehe… sige vote kita, napag-uusapan naman yan, wahahah…

  2. ayyzzz said,

    July 27, 2008 at 12:58 pm

    hahayz…
    masaklap kung iisipin
    pero kinakaya ng iba para lang sa pamilya..

    nakakalungkot..:|

    para sa pamilya, kahit ano, makakaya…πŸ™‚

  3. pEpPeR said,

    July 27, 2008 at 2:25 pm

    Hay naku mare, mahirap talaga bohay dito sa UAE! Makapagtipid lang kahit na nga sideways at sidesteps okay na din! he..he.. Kung di lang madaming pera dito mas masarap pa din talaga sa pinas! Namimiss ko na nga yung mansyon namin dun eh! ha ha ha

    hahaha, sinabi mo pa, kahit san naman mahirap, at least, dirhams naman kinikita dito… wehehehe…

  4. ana_banana said,

    July 27, 2008 at 3:11 pm

    ha.ha.ha., ngayon lang ako nakarinig ng partition na styrofoam napaka creative talaga ng pinoy…
    haaayy…. ganyan talaga buhay dito sa Dubai may kasabihan nga pag maiksi ang kumot matutong mamaluktot. kesa naman sa pinas kuba ka na kakabaluktot…. wala rin nangyayari.

    kurak, hehehe… actually di pa ako nakakita nga nung styro, hehehe… sa sharjah naman di masyado ang mga ganyang pangyayari…

  5. duskfading said,

    July 27, 2008 at 3:38 pm

    Yep totoo.

    Matindi ang sakripisyo talaga ng mga OFW.

    for the love of the family, hehehe…

  6. taps said,

    July 27, 2008 at 4:32 pm

    akala kasi ng iba, pag nasa abroad ka, maginhawa ang buhay mo.

    Ang hirap kaya kumilos sa ibang bayan.

    hahaha… sinabi mo paπŸ˜›

  7. kengkay said,

    July 27, 2008 at 8:25 pm

    hay buhay… nabalitaan ko nga na super mahal na ang renta dyan. teka muna, ibig sabihin pwedeng mag sama sama sa isang apartment kahit na hindi mag asawa? ganun ba yun?

    actually ms. kengks bawal yun, pero wala magagawa ibang pinoy here dahil uber mahal ang renta dito, bedspace lang 6000-7000 pesos na, kaya no choice…

  8. kamotenista said,

    July 28, 2008 at 11:15 am

    kakalungkot naman pero yun ang reality
    an eye opener….thank you for sharing!

    yup, hindi lahat ng ofw, naghahakot ng ginto, hehehe…

  9. July 29, 2008 at 5:20 pm

    naku parang dapat mabasa ito ng kakilala kong pupunta ng dubai next week. tayo namang mga Pilipino kilala sa pagiging matiisin pero ciempre iba pa rin yung may idea ka sa mga bagay na titiisin mo di ba?

    Naku, hindi kaya makapag-encourage yan ng illicit relationships kung ganyang halos tabi tabi na ang mga taong hindi naman magka-ano ano?

    yup, lahat pwede mangyari here, hahaha… pero in some flats naman, hiwalay ng room ang babae at lalaki…πŸ™‚

  10. Carol said,

    August 1, 2008 at 3:39 pm

    ang lungkot naman. naalala ko yung Dubai na movie. =(

    hahaha, dahil sa movie na yan, kaya dumami ang tao dito sa dubaiπŸ˜†

  11. ifoundme said,

    August 4, 2008 at 6:14 am

    the things we have to go through for a better life…. tama lang na tawagin bagong bayani ang mga OFW.

    correct… that’s life, wala namang madali kahit saanπŸ™‚

  12. vhincent said,

    August 4, 2008 at 6:15 am

    bakit mga naririnig ko pag-dubai maganda ang sweldo? or mali talga ang perception ng mga pinoy na naiiwan pagnasa ibang bansa nagwowork madame agad pera ang naiisep? Parang ganito experience ng wife ko nung nagwork sya ng macau kala ng ibang kamag-anak yaman na agad…

    anyway pagnag-dubai k pla sigurado mababawasan ang bisyo moπŸ™‚

    baka sakali lang po pede sumali sa blogroll?

    in fairness, ok naman sweldo, malaki rin kasi cost of living…πŸ™‚ tyaga tyaga lang…πŸ™‚

    sure, exchange links tayoπŸ™‚

  13. BADoy said,

    August 4, 2008 at 8:06 am

    nalungkot naman ako buti ako diko naranasan yan… ibig sabihin napaka swerte ko naman at naka condo pako sa malaysia… haizzzzz… grabe naawa naman ako nasa malayo ka n nga tapos parang squatter pa ang tulugan mo…

    sa singapore mas mahal ang room… Php18k per month… room lang yun…

    super mahal talaga ang rent dito, kami rin naka room lang ni hubby, more or less 15K na, room palang, nasa sharjah pa kami, wala pang bayad sa utility bills… sa isang flat, 4 rooms bale, 4 couples/family per room langπŸ™‚ sa dubai, partition palang yung 15K na yun… hahaha…

  14. Aling Baby said,

    August 4, 2008 at 4:11 pm

    haayy, totoong may ganyan sa Dubai! kakalungkot man isipin pero ganun talaga kesa magtiis ka sa Pinas na wala namang kahihinatnan. Buti pa dito kahit mahirap, konting sakripisyo lang para sa pamilya. indi madaling maging malayo at makisama sa ibang lahi pero keri na yan. dapat rin maging handa ang mga nagpaplanong sumugod ng Dubai kung keri nila ang mga ganyan….;)

  15. kengkay said,

    August 4, 2008 at 5:34 pm

    hay tama ka, ibat ibang kultura talaga

  16. AZRAEL said,

    August 4, 2008 at 11:40 pm

    syet.. ang tagal ko na sa ME pero hindi ko alam na totoo pala yan. akala ko sa ibang lahi lang nangyayari yan dahil ang tingin ko sa mga pinoy madidiskarte at hindi papayag ng basta basta lang bigyan ng ganyang accomodation (kung maituturing mo ngang accommodation yan) ng kanilang mga employers..

    partly to blame din ang iba nating kababayan eh. dahil una ilegal ang pasok nila sa dubai, hindi dumaan sa tamang proseso kaya gustuhin man bigyan ng assistance ng ating gobyerno, eh hindi tlaga uubra..

    pangalawa, kasalanan din ng gobyerno, dahil kung sila ba ay nagpo-provide ng trabaho na medyo malaki ang sahod sa pinas, eh di sana hindi na nangingibang bansa ang iba nating kababayan..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: