ang barangay royal run

Sino bang mag-aakala na ang Ginebra ko ay aabot ng finals, (syempre, isa ako sa naniwala😛 )? Nag-umpisa sila ng 0-5 bago makabuslo ng isang panalo laban sa Purefoods. Naka-tatlong palit ng import hanggang mahanap nila ang sakto sa kanila. Salamat sa tulong ni Cris Alexander!

Dumating din si Junthy Valenzuela kapalit ng future draft picks, dati ayoko sa kanya pero ngayon lab na lab na sya ng barangay. Na-injure si Ronald Tubid pero nag step-up naman si Paul Artadi.

Mula June 1, 2008 hanggang August 7, 2008, hindi natalo ang Ginebra ko. 13 games winning streak, sinong hindi mamamangha dun? Naipanalo nila ang rest of the games ng 2nd round of elimination, na-sweep ang Quarterfinals vs Sta. Lucia, Na-sweep ang Semifinals vs Redbull, at naipanalo ang Finals game 1 vs Air 21. Sa pangunguna ng The Fast and The Furious.

Photobucket
Photobucket

Biyernes, August 8, 2008, Finals game 2, natambakan ang barangay ko ng bonggang-bongga! Na-injure pa si Jayjay Helterbrand (The Fast), at posibleng hindi na makabalik para sa Finals. Tanggap ko na eh, pumatas lang ang series sa 1-1. Pero kahapon, August 10, 2008….. talo na naman…😦

Photobucket

2-1 ang series, in favor of Air 21… Guguho na naman ba ang pangarap ng buong barangay o magpapatuloy ang royal run…???

***credits to pba.ph for the pics

9 Comments

  1. kirksydney said,

    August 12, 2008 at 11:16 am

    Waaaa ka-barangay pala kita.😮 Ayos! \m/

    Yeah, mula nga nung ipinalit na import si Chris Alexander, tuloy tuloy na winning streaks ng Ginebra. Kaso minalas naman sa finals, na-injured si Helterbrand amp. Pero may pag asa pa yan, yung crowd usually nakakatulong sa pagtaas ng momentum ng team.

    hahaha… kabarangay ako mula pa nung 1989… 7yrs old ako nun… hahaha… keep the faith… champion tayo nito😛

  2. sommer said,

    August 12, 2008 at 11:28 am

    ..gustuhin ko mang makisawsaw sa usapang basketball, si jaworski lang ata ang kilala ko..nyahahah!!!

    wahahaha, napaghahalata ang edad mo…😆

  3. vhincent said,

    August 12, 2008 at 1:17 pm

    mula grade school, high school hangang college nakatingin lang ako sa mga classmates ko paglaban na ng basketball ang usapan..ewan ko ba kung bkit hinde ako nahilig dito .. sa mas maliliit na bola oo gaya ng ping-pong, tennis, badminton, jackstone .. etc hehe

    Go Ginebra!

    hahaha, sayang naman! exciting ang sport na to!

  4. August 12, 2008 at 1:59 pm

    Ewan ko ba hindi ako masyadong makarelate sa usapang basketball, hehehe pero ciempre aware naman ako sa dami ng mga fans ng barangay ginebra…hehehe…

    Btw, may award ako sayo. Check mo lang latest blog post ko okidowkee!

    Congratulations! =)

    CCgal, thanks sa award ko ha… im so touched🙂 … hehehe… sana magka-award din ang Brgy. bilang champion ngayong conference na to, hehehe…

  5. taps said,

    August 12, 2008 at 3:22 pm

    no blood no foul…

    sana mapalaya na si distrito, tapos ibalik sya sa line up kahit matanda na, gusto ko lang masampolan nya si homer se ng foul na, iikot ang mundo nya.

    hayaan na natin si homo se-pien… ahahaha… ako naman kay gary david imbyerna…😆

  6. ayyzzz said,

    August 12, 2008 at 4:11 pm

    nakuppp!
    mag-apir kayo ni wiinki!
    hahahaha..

    mga ginADIKs!
    hahaha

    hahaha ayzzz, mag-adik ka na rin, samahan mo kami!😆

  7. winkii said,

    August 12, 2008 at 4:37 pm

    May post ka rin pala para sa
    minamahal nating BARANGGAY GINEBRA KINGS!
    Kaya natin to kabaranggay!
    Mayayabang sila.
    2-0 nga last year nakahabol tayo.
    2-1 pa kaya! hehe..
    Basta Ginebra ang magchachampion!
    sana makarecover agad si Jayjay!

    tapos na maliligayang araw ng Air 21, itigil ang padala!!! hahaha… regarding jayjay, baka di na sya makabalik this finals…😦

  8. taps said,

    August 13, 2008 at 9:23 am

    someone gave me a free ticket for the game later.

    woooohooo!

    patayan na to mamaya!

    wow naman, inggit ako…😦 sa justin.tv lang ako manunuod at mamaya sa tfc yung replay, makikinig din ako sa eradioportal, hahaha… ang adeek! sana swerte ang panunuod mo😉 2-2

  9. winkii said,

    August 14, 2008 at 9:46 am

    malay naman natin.
    di natin masasabi..
    katulad nung kay tubid. hehe. :))

    sabagay, magugulat nalang ang A21, hahaha…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: