happy puso!!!

May pasok ako nung Feb. 14, regular working time during Saturday is til 1230nn, pero dahil minsan nang-aasar ang panahon, I was asked by my boss (Thursday pa lang) to stay the whole day kasi darating ang Big boss from Germany, ang saya-saya!!! Si habibi walang pasok ng Saturday (ang daya!).

Previous plan was he’ll accompany me here in the office and after we’ll go malling lang, kaso dahil darating nga si Big boss, hindi natuloy (although, we went out already nung Feb. 13)… hahay…

Inip na inip ako sa office, si habibi tawag-tawag lang to check me. Gusto ko nang umuwi kasi I just want to spend the day with him, 95th monthsary rin kasi namin since March 2001, hahaha…

430pm, uwian ko na, sa sobrang pang-aasar na naman, ang service ko dumating ng 530pm pa na kadalasan ang dating nya naman ay 415pm bakit kung kelan gusto ko nang umuwi, late sya, hahay, nakakaloka na to!!!

6pm, dumating ako sa bahay, I was welcomed by a hug and kiss by habibi. Nadatnan ko sya nag-preprepare ng dinner… He gave me flowers and then I hugged him again, ang saya ko na, iba talaga kasi pag binibigyan ang babae ng bulaklak, big deal na rin kasi kahit mag-asawa na kami, may flowers pa rin ako. hehehe… Yung ulam namin, binili nya sa “carrefour”, yung mga lutong-ulam ba, hahaha..
Photobucket

Buo na Valentine’s ko with the flowers and syempre dahil kasama ko na sya. After saying graces, we’re about to eat, sabi nya, “beb, may dumi sa ilalim ng plato mo” So ako, tinignan ko naman, may note na may something daw ako sa may chiller ng fridge, binuksan ko yung fridge at ayun may chocolate ako, hahaha, natawa ako at naexcite.
Photobucket

sa chocolate box, may note na naman, (trivia form), may something daw sa favorite cap nya, kaya kinuha ko yung cap nya na red orange.
Photobucket

sa ilalim ng cap, may trivia ulit, pag nasagot ko, I have to check one of my bags daw at ako’y may premyo, voila… may bago na naman akong bag, hahaha…
PhotobucketPhotobucket

hindi na ako makahinga sa excitement at super overwhelmed talaga ako, binuksan ko yung new bag ko at may note na naman, I have to check the calendar at andun daw yung clue, I went to our wall calendar and the note said that I have something in his closet, isang prutas!
PhotobucketPhotobucket

isang prutas nga, I got a new Mango charm bracelet watch… after that, I cried while I hugged him, hindi ko kinaya ang surprise nya (hindi naman dahil wala akong regalo sa kanya, hahaha), I just didn’t expect that he’ll prepare those things, Im so blessed to have my husband, rudeen. Thank you baby…
PhotobucketPhotobucket

that’s how we celebrated Valentine… kayo ba nag-celebrate din? 🙂

Banner generated at Pimp-My-Profile.com

I got a banner….

due to boredom… i have this… i will be using it as my signature after every post… hahaha… cheers!!!

Banner generated at Pimp-My-Profile.com

katapusan

Sa wakas, natapos na rin ang hibernation ko… hindi po ako nagkasakit, hindi po ako nawalan ng internet connection, hindi po ako nawalan ng trabaho at lalong lalo na na hindi ako nahiwalay sa asawa…. hahaha…

Hindi ko rin alam kung bakit ang tagal ko nang hindi nag-blog… isang taon na!!! (2008 last entry ko, 2009 na eh, wehehehe)

To all the people who missed, misses and missing me… I MISS YOU ALL TOO!!!