happy puso!!!

May pasok ako nung Feb. 14, regular working time during Saturday is til 1230nn, pero dahil minsan nang-aasar ang panahon, I was asked by my boss (Thursday pa lang) to stay the whole day kasi darating ang Big boss from Germany, ang saya-saya!!! Si habibi walang pasok ng Saturday (ang daya!).

Previous plan was he’ll accompany me here in the office and after we’ll go malling lang, kaso dahil darating nga si Big boss, hindi natuloy (although, we went out already nung Feb. 13)… hahay…

Inip na inip ako sa office, si habibi tawag-tawag lang to check me. Gusto ko nang umuwi kasi I just want to spend the day with him, 95th monthsary rin kasi namin since March 2001, hahaha…

430pm, uwian ko na, sa sobrang pang-aasar na naman, ang service ko dumating ng 530pm pa na kadalasan ang dating nya naman ay 415pm bakit kung kelan gusto ko nang umuwi, late sya, hahay, nakakaloka na to!!!

6pm, dumating ako sa bahay, I was welcomed by a hug and kiss by habibi. Nadatnan ko sya nag-preprepare ng dinner… He gave me flowers and then I hugged him again, ang saya ko na, iba talaga kasi pag binibigyan ang babae ng bulaklak, big deal na rin kasi kahit mag-asawa na kami, may flowers pa rin ako. hehehe… Yung ulam namin, binili nya sa “carrefour”, yung mga lutong-ulam ba, hahaha..
Photobucket

Buo na Valentine’s ko with the flowers and syempre dahil kasama ko na sya. After saying graces, we’re about to eat, sabi nya, “beb, may dumi sa ilalim ng plato mo” So ako, tinignan ko naman, may note na may something daw ako sa may chiller ng fridge, binuksan ko yung fridge at ayun may chocolate ako, hahaha, natawa ako at naexcite.
Photobucket

sa chocolate box, may note na naman, (trivia form), may something daw sa favorite cap nya, kaya kinuha ko yung cap nya na red orange.
Photobucket

sa ilalim ng cap, may trivia ulit, pag nasagot ko, I have to check one of my bags daw at ako’y may premyo, voila… may bago na naman akong bag, hahaha…
PhotobucketPhotobucket

hindi na ako makahinga sa excitement at super overwhelmed talaga ako, binuksan ko yung new bag ko at may note na naman, I have to check the calendar at andun daw yung clue, I went to our wall calendar and the note said that I have something in his closet, isang prutas!
PhotobucketPhotobucket

isang prutas nga, I got a new Mango charm bracelet watch… after that, I cried while I hugged him, hindi ko kinaya ang surprise nya (hindi naman dahil wala akong regalo sa kanya, hahaha), I just didn’t expect that he’ll prepare those things, Im so blessed to have my husband, rudeen. Thank you baby…
PhotobucketPhotobucket

that’s how we celebrated Valentine… kayo ba nag-celebrate din?🙂

Banner generated at Pimp-My-Profile.com

9 Comments

  1. winkii said,

    February 16, 2009 at 10:16 pm

    happy puso kabaranggay!

  2. February 18, 2009 at 3:58 am

    Hapi puso sau wifeybee!

    Wala naman palang kupas sa katamisan ang iyong habibi…nawa’y manatiling nakakaumay sa tamis ang kanyang pag-ibig.🙂

    Ako naman hindi ko makakalimutan ang Valentines Day this year kasi nagpropose si Jawibi (Jollibee/ MJ- Fiancee🙂 sa akin…nakakaloka…

  3. gudang said,

    February 18, 2009 at 4:47 pm

    happy hearts! hala.. late na ko..😀 ehehe..

    napadaan lang..😀

    –gudang!

  4. duskfading said,

    March 1, 2009 at 1:30 pm

    Ang tamis tamis naman….😉

  5. Mike said,

    March 1, 2009 at 6:57 pm

    Just passing by.Btw, your website have great content!

    _________________________________
    Making Money $150 An Hour

  6. brotherutoy said,

    March 10, 2009 at 2:27 am

    alam ko, halos isang buwan din akong di nakadalaw pero sa kwento mo, dalang dala ako ng valentine adventure mo.ü very creative na pagbibigay ng gift, may hanapan pa talaga. God bless you and your habibi!

  7. lhay said,

    March 28, 2009 at 3:41 pm

    weeeeeeeeeee ang sweeeeeeet naman, kainggit!..hahaha…

  8. Lie Abelardo said,

    May 12, 2009 at 8:34 am

    kakatuwa nman ang mga surprises ng hubby mo. I also read your other entries and nakakakilig nman how your husband always makes an effort to surprise you. napaka-creative. btw, i’ve added you in my blogroll in my two blogs wandergirlscorner.wordpress.com and pinaywanderblogger.blogspot.com

  9. July 22, 2009 at 10:25 am

    wow sweet naman ng nono mo… sus swerte talaga ng cuz ko sa habibi nya.. at may hanapan blues heneweys… sensya na at di ako nakakadalaw dito sa pook sapot mo pero.. mukhang feb pa itong latest updates mo kaya di ako masyadong nahuli haha..

    cuz kwento ka na dali pag di na busy..

    sorry din hindi ako nadalaw sa hauz nyo nun umuwi ka.. marami pa naman sigurong time… malay mo.. diba next time totoo na talaga to..

    Ingat ka dyan … alam ko namang masaya ka sa piling ni nono mo..

    mwaaah😉

    at gusto ko yun banner mo😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: