katapusan

Sa wakas, natapos na rin ang hibernation ko… hindi po ako nagkasakit, hindi po ako nawalan ng internet connection, hindi po ako nawalan ng trabaho at lalong lalo na na hindi ako nahiwalay sa asawa…. hahaha…

Hindi ko rin alam kung bakit ang tagal ko nang hindi nag-blog… isang taon na!!! (2008 last entry ko, 2009 na eh, wehehehe)

To all the people who missed, misses and missing me… I MISS YOU ALL TOO!!!

Advertisements

expect less

yan ang isang bagay na natutunan ko sa buhay, hanggang ngayon, pilit na isinasabuhay, kahit minsan di maiwasan πŸ˜› ….

expect less… sa mga tao na mahal mo, sa mga bagay na inaasahan mo, sa mga event na gusto mong mangyari… sa lahat…

bakit nga ba? kapag di ka nag-expect, di ka mabibigo, di ka masasaktan kung sakaling hindi nangyari ang mga bagay na nais mo…

mas madali nating matatanggap ang realidad o ang katotohanan… mas madaling maka-move on at magplano para sa susunod.

hindi ba’t masaya kapag nangyari ang bagay na gusto mo pero di mo akalaing magkakatotoo? pero walang kasing lungkot kapag sobrang umasa ka pero di nangyari ang inaasahan mo…

do your part, and leave anything else to the Lord… (alleluiah!!!)

Ramadan season

Ramadan is a special month of the year for over one billion Muslims throughout the world. It is a time for inner reflection, devotion to God, and self-control. Muslims think of it as a kind of tune-up for their spiritual lives.

During Ramadan fasting becomes obligatory. Sick people, travelers, and women in certain conditions are exempted from the fast but must make it up as they are able. (4:30am to 6:30pm ang fasting time nila)

Dahil nasa Muslim country ako, kailangan, rumespeto sa mga paniniwala nila, isa na dito ang: bawal kumain o uminom sa labas kung hindi pa iftar (a post-fast meal after sunset). Walang bukas na resto o kainan sa umaga, kung meron man, “take away” lang ang pwede. (baka daw kasi matempt sila, haha). Kahit ang ngumuya ng candy ay bawal, dahil pag mahuli ka, kulong ang katapat mo!

Second time ko na maka-experience ng Ramadan dito sa UAE, and talaga namang favorite season ko to, dahil:

1. 6 hours lang ang office hours, so from 8am-5pm timing, 8am-2pm during Ramadan, oh diba? sino bang di mag-eenjoy nyan? hahaha (nakakainip kaya mag-stay sa office na walang ginagawa πŸ˜› )

2. ang peaceful ng atmosphere, konti ang tao sa kalsada, madali kumuha ng taxi at less ang traffic (wag nga lang between 3-5pm, kasi lahat ng tao, sabay-sabay umuuwi, haha)

3. ang daming sale sa mall at sa mga tindahan, nakakalat lang sa kalsada, ahaha… (yung mga stores kasi along the street, naglalabas ng tinda nila on sale, you can buy shoes na 10 dirhams lang)

4. syempre, mas maaga kami magkita ng habibi ko kasi 3pm naman uwian nya… (excited na nga ulit ako umuwi, hahaha)

Kung para sa mga Muslim, this is a month of sacrifice, para sa akin, a month to enjoy naman! (ang sama ko ba? hahaha) I super love Ramadan!!! Ramadan Kareem to all!!!

walang masulat

walang masulat? eh anong tawag mo dito? nyak, hahaha…

musta naman? September 9 na pala, wala pa pala akong entry for September, ahahaha… ano ba pinagkaabalahan ko? wala naman…

Ramadan kasi dito (Middle East and all Muslims around the world ay sinecelebrate to)… eh ano ngayon??? (Ramadan nga!) … Zzzz

Arte Y Pico Award

Napakatagal na dapat ng blog na ito, overwhelmed pa kasi ako sa championship ng GInebra, nag-prepare for Nono’s bday (my hubby) at stressed dahil sa mga bagay na inaasahan at di natuloy 😦

Pasensya na kay Callcentergal at salamat sayo sa award na ito. πŸ™‚

I didn’t expect na you will consider me for this award… ’nuff said, thank you so much… πŸ™‚

Photobucket
Arte Y Pico

Passing this honor is very easy. Just take note of the following rules:

1) Pick 5 blogs that you would like to award this honor to.
2) Each award has to have the name of the author and also a link to his or her blog to be visited by everyone.
3) Each award winner has to show the award and put the name and link to the blog that has given her or him the award itself.
4) Award-winner and the one who has given the prize have to show the link of β€œArte y Pico” blog, so everyone will know the origin of this award.

And now to pass on the award that was given to me, here are my awardees:

Tapsiboy

Aling Baby

Mixglorioso

Naglalambingnacute

Ayyzzz

Congratulations to us πŸ˜‰ have a nice day, keep smiling and enjoy!!!

Tag-taranan….

Been tagged by cuz lambing D

Here are the Rules

1. List at least 6 things (all-in) that describe yourself yesterday and today.
2. Add your blog to the list. Feel free to add all your other blogs.
3. Tag other online friends you know.

Yesterday

1. Ginebra forums

2. Blog hopping, reading

3. Blog updates

4. Reports

5. Rest and watch PDA

6. Bonding with Hubby

Today

1. Chat with my bro

2. Ginebra updates

3. Skinny pants, long blouse, bronze flats

4. Blogging – comments, hopping, tagged

5. Documentation

6.Β  Church day

Participants : Gail/Adi / Momeen / Emmyrose / Dennis / Dette / Jirl / Janny / Nanay Belen / Carol / Something Purple’s cucina / Vanity Kit / Mind Bubbles / Stripe&Yellow / Something Purple / Em’s Detour / Spin180 / Wisdom City / MY Happy Place / IamDzoi / ClikTrik / I Love the Thirties / Ozzy’sMom / Me,Myself+2 / Kidd Designs / Fun|Fierce|Fabulous / Blogger Happy / Berry Scrappy / Everyday CHI / My Colorful World / Explore Manila / Random Thoughts / When SAHM-one Speaks / Deranged Insanity / Mighty in Spirit/ Straight from the Heart/ Simple Delights / Motherhood in a Nutshell / Love Is / Wonderful Things in Life / My Life’s Adventure / Photographic Memories / The Joy Of Life Forever / The Fountain Of Happiness / A Message From My Heart / Blessings and Beyond / dhangskiblogs /pixelse digital prints/sonnetshaven /Lambing lang ang katapat mo /Sagot ko ang kwento – wifeybee/(your blog here)

Ikaw ang tag-tarin ko πŸ˜›Β  duskfading, callcentergal, mixglorioso and ifoundme… πŸ˜†

mula sa pananahimik

lintek, august na pala, ang bilis ng araw, tagal ko ring di nakagawa ng entry… πŸ˜› namiss ko ang pagsusulat ng walang kwenta. namiss ko rin magbasa at dumalaw sa aking mga kaibigang blogero, kumusta naman kayo dyan?

in fairness, busy kasi ako these past few days, as if may pakelam kayo, hahaha… nag 1-day holiday rin kasi dito sa uae tapos tumapat din sa weekend, kaya medyo di ako nakagawa ng entry, syempre, i spent it with habibi nalang, di ba?… hay, bakit ba ako nag-eexplain, wala naman humihingi o nag-kecare, wahahaha…

ano na nga bang oras? wala lang, bago lang kasi ang relo ko πŸ˜†
Photobucket esprit bracelet watch from habibi πŸ™‚

pinoy sa likod ng kurtina (forwarded email)

Disclaimer: ang sumusunod na kwento ay hindi pangyayari para sa lahat ng pinoy sa uae… merong sinuwerte, merong hindi naman masyado… ang layunin lang nito ay maliwanagan ang ating mga kababayan na hindi puro sarap ang maging isang ofw… hindi rin nito layunin na siraan ang dubai, nasa inyo pa rin ang huling desisyon…

Over a thousand Filipinos arrive in Dubai every month. And why not?
Literally, the sun shines here all year round; prosperity is in the air; and it’s a place where people have reasons to dream of waking up in the morning as millionaires or with kilos of gold on their lap!

Yun nga lang, habang hindi pa nangyayari yun, iba ang nakikita ng maraming Pinoy pagdilat nila sa umaga — kurtina!

Betcha by golly wow! Paano ko ie-explain to fascinated Pinoys back home our living condition here!
Noong una akala ko isolated cases. But with the skyrocketing apartment rents in this City of Gold, such conditions are becoming the norm.

Sideways…sidesteps

Hindi yan dance step. That’s the latest move ngayon sa mga sharing flats. Sa sobrang liit ng space, patagilid ang galaw. Kaya minsan, mga ka-flatmates, hindi na magkakitaan. “Hoy, where have you bee n, ba? Hindi ka na umuuwi sa flat!” Kasi nga lagi silang naka-sideview!

Warning: Smoking is dangerous to your room.

Hindi health reasons ang dahilan bakit bawal magyosi, no! Ang styrofoam kuya!
Yes, naunahan ng Pinoy ang IKEA sa innovation na yan — Yes, styrofoam walls, styrofoam doors, styrofoam room. Di ba nga naman, styrofoam keeps you fresh! Para kang gulay, o kaya ice candy. Pero siguro mas feel mo minsan na ‘tuna’ ka, o di kaya ‘sirena’ kung feel mong si Claudine ka.
“Ate, di ba fire hazard yan?” “Anong fire ka dyan? Rent ang mas nakakamatay dito!”
“Illegal ang partitions sa Dubai. At least ang styrofoam, pag nagkahulihan, mabilis sa baklasan. Gets mo?!!!” “Yes, Ate.”
Therefore, ‘no smoking’: ang sirena baka maging daing!
Burj Al ‘Cupboards’
Hindi lang Emaar Properties ang may ‘K’ na magtayo ng skyscrapers? Haven’t we heard, the Philippines is a major supplier of architects in Dubai ? In other words, nasa dugo natin yan! Kaya ba ng Arabong gumawa ng rooms out of cupboards, luggages and shoe boxes?
Dati sa airport lang bida ang mga luggages, ngayon multi-purpose na: dividers na rin sila — para ang isang kwarto maging lima!
Pampataas sila sa mga cupboards kasama ng mga shoe boxes na pinaka-antenna.
Siyempre, the taller the better — you keep your neighbor’s eyes away.

Now Showing

Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic!!! Parang barangay, complete with eskinitas. Kada bukas ng telon, parang movie — sari-saring life. May natutulog, may nag-eemote, may nka-curlers, may nakasimangot. Sa panlimang kurtina, may nag-totong-its, sa pang-anim, may naggugupit.
Ang gandang movie, di ba? “Ang Pinoy sa Likod ng Kurtina!”

Paraisong Kurtina


Ayyy! Our Paraisong Kurtina. It can make you laugh, it can make you cry.
Be proud of our Paraisong Kurtina. It exists because we’d rather send our money home than spend more for our comfort. Within its walls, lies our desire for a little privacy, our groans, our tears, our dreams, our struggle for some little savings. My curtain says a lot. It says, “I have saved again, inay; I’ll be able to send money next month.”
Dream mo pa bang pumunta ng Dubai ????
Mag isip-isip….

ang buhok

i have this long hair for years now, siguro 2003 pa mahaba ang hair ko. hahaha… before akong magpahaba, ang buhok ko ay “gupit siete” o kung tawagin ay “gupit-pogi”. naka-gel pa nga ako nun eh, tawag sakin diether ocampo, minsan naman amor powers (eula valdez sa pangako sa iyo, wehehehe). at mahaba pa buhok ni bebe sa buhok ko, wahahaha…

ngayon naman, naging super haba ng hair ko, hanggang pwet na! wehehehe, medyo nagupitan na kaya hanggang bewang nalang, nyak!

sa init dito sa dubai, medyo mahirap magpahaba ng hair kaya ako ay nagpagupit na πŸ˜›

Photobucket before
Photobucket after

tinago ko yung ginupit na hair ko, remembrance ba πŸ˜› buti nalang pinay yung gumupit sa akin, hindi na ako masyado nahiya magsabi na pakiipon yung buhok ko, hahaha… kaso ginto ang gupit dito, pumapatak na 800 pesos, gupit lang, lintek! hahaha…

what can you say about my hair? πŸ˜›

doble trese

hulyo trese ng 2008, ang edad ko’y naging doble trese… napakasaya ng selebrasyong binigay ni bebe sa akin. friday palang, naghanda na sya ng salo-salo para sa mga kaibigan at kapamilya namin dito sa uae, umaga, nagtext sya sa mga kaibigan namin na may get together ng 430pm, merienda time. pumunta kami ng al falah plaza para bumili ng mga food na ihahanda, to sum it up, naghanda kami ng pizza and chicken and some sweets, nagluto na rin ako ng macaroni spag, pandagdag, hehehe….

Photobucketpizza, pasta & chicken
Photobucketnew look, ahaha

kainan, chikahan at kantahan ang salo-salo kung saan masaya ang lahat at natapos ng 12mn.
Photobucket

sabado, di ako pumasok, plano ko na talaga na hanggang linggo ang bakasyon ko, self-declared bday leave ba, hehehe… so natulog lang ako til 12noon, nagrelax at naghintay sa pag-uwi ni bebe. 730pm na, wala pa ang bebe ko, 7pm na ang pinakamatagal na pagdating nya, tawag ako ng tawag kasi nga naiinip na ako, hindi sumasagot. nung makontak ko, naglalakad na daw sila kasama nya yung kumpare namin na ka-flatmate din namin, wala akong in-expect o naisip na baka may surprise sya o kung anuman, basta excited lang ako para sa kinabukasan dahil aabsent din sya, hehehe…

pagdating nya, pawisan sila kasi nga 45 degrees ang init dito at naglakad pa sila, wala namang kakaiba sa mga kilos nya, nung kumakain na kami, sabi nya, bebe, wala akong gift sayo ha, sabi ko naman, ok lang no, maglalakwatsa naman tayo bukas pero bili mo ako ng cake ha! (nadistort kasi yung cake na binili namin nung friday kasi nabaliktad nya, hehehe). yun lang, after kumain, nagpahinga kami tapos sabi nya:

bebe: idlip muna tayo bebe, pero gisingin mo ako ng 12 ha
me: sige, pero bakit gigisingin pa kita?
bebe: wala, babatiin lang kita ng happy birthday
me: ngek, corny mo! hahaha…

sa madaling salita, nagising nga kami ng 12mn, binati nya ako ng happy birthday bebe! lumabas sya, sabi nya mag-cr lang daw sya, so ako naman, nag-ready to sleep na at humiga na pero nanunuod pa ako ng tv, tapos may kumatok sa pinto, binuksan ko kasi kala ko si mia (anak nila pareng caloy), babatiin siguro ako, pagbukas ko, nandun sila ate merz, pareng caloy, mia at bebe, may dalang cake with candle at gift at kumanta sila ng happy birthday, lintek, di ako nakahanda, nakapantulog na ako at nagtanggal na ng contacts at oily na ang face, hahaha, diko ma-express ang feeling ko, kala ko sa tv lang nangyayari ang mga ganun, hinipan ko na ang kandila pero nagwish muna ako, sympre secret ang wish ko, para magkatotoo, hehehe… na-overwhelm ako kasi marunong na talaga magsurprise si bebe at in fairness hindi ko sya nabuko unlike before na sa super excited nya, nasasabi nya ang mga surprises nya sakin…

Photobucket my beeday cake, di nakuhanan, yung pagblow ko ng candle, hehehe…
Photobucket di ako nakapaghanda, hehehe
Photobucket pocot family
Photobucket with bebe, ang oily ko, hahaha
Photobucket
Photobucket at syempre, ang gift nya nung oras na yun… walang kasawaan sa bag, hehehe…

kinabukasan, we started the day with praying the rosary, tapos naligo na kami, pinagshopping nya ako ng damitPhotobucket pero sya bumili rin ng sapatos (birthday din? )

dumaan sa simbahan, walang simba kasi 1130am yun, kumain kami in a pinoy resto, gusto nya kasi ng bulalo, wahahaha, parang sya may birthday ah, tapos naglakad lakad lang kami sa megamall, (yup may megamall din dito).

at matindi dun, kahit di ko naman pinabili, pinagpilitan nya ito:
Photobucket

bebe, salamat sa napakasayang kaarawan ko, love you very much. happy birthday to me!!!

isang buwan

isang buwan na pala ang lumipas mula ng magkaroon ako ng blog, yehey! nakatagal din ako, hahaha… ano naman napala ko? hehehe… sa totoo lang, nakakalipas oras talaga ang pag-bloblog, im loving it since petiks ako sa work. napapagana ko pa ng konti ang utak ko sa paraan ng pag-iisip ng pwedeng mailathala (ang lalim, whoaa).

nakakilala ng kapwa blogger, natututo at nadadagdagan ang kaalaman sa pagbabasa ng blog ng may blog at tunay na nakakaaliw pag may bumibisita sa site mo.

sa isang buwan, naka 21 posts ako, pang 22 ito (whew), may 640+ na napadpad (mabuhay kayo!) at may 20 bloggers sa blogroll ko! (mahal ko kayo, kahit yung iba wala ako sa link nila, nyahahaha).

salamat sa mga napadaan, sa mga nagbigay kumento at sa mga nag-aksaya ng oras silipin ang blog ko. im so touched πŸ˜› wag sana kayo madala sa pagdaan… hehehe

cheers for more entries to come… yahuuuuuuu !!!

***maligayang ika-2 buwan ng pag-iisang dibdib pala sa bebe ko …. may gagawin tayo mamaya πŸ˜‰

hulyo naaaa!

excited ako pag july, kasi malapit na ang birthday ko… yipeeeee!!!

july kasi is my birth month
* cancer ang zodiac sign ko ( pero wala akong cancer ha, hihi )
* ruby naman ang birthstone ko… (rubee ang name ko, hindi dahil yan ang birthstone ko, dahil pinagsama ang nicknames ng papu & mamu ko, which is, rudy & baby, hahahaha)

ano kaya gagawin namin ni bebe? ahaha…

let’s enjoy life, another year will be added to mine, praise the Lord… πŸ™‚ Godbless us all dear bloggers…

superkittyman

kung sya ang superhero mo, magpapasagip ka pa rin ba?

Photobucket
naloka ako sa outfit, hehe

it’s a bird, errr… it’s kitty man……

blog design

shocks, sa kaka blog hop ko, nakatagpo ako ng mga kaparehong theme ko, wahahaha… ayoko ng ganito, gusto ko palitan ang blog design ko, hehehe…

ano kaya maganda? gusto ko green ang color, gusto ko rin hello kitty… ano kaya? hmmmm….

trabaho

pasok na naman??? yan lagi ko sinasabi tuwing sabado, (fridays ang weekend dito), ewan ko ba, tamad na tamad ako tuwing sabado, kulang na kulang ang kalahati ng huwebes at buong araw ng biyernes para magpahinga, kaya madalas absent ako ng sabado, pero linggo kahapon, absent ako (maiba lang, hehe).

hindi naman ako nahihirapan sa trabaho ko, napakaswerte ko nga at puro petiks lang ako dito, ano ba ang ikinakatamad ko? ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng 2 days-off, tipong friday at saturday ba… kung hindi naman ako magtratrabaho, sayang naman yung kinikita ko, kahit maliit lang, saka wala naman ako gagawin sa bahay, maaasar lang sakin si bebe kasi kukulitin ko lang sya habang nasa opisina sya, hahaha.

dahil sa work kong ito, productive ako kaysa naman nasa bahay lang manonood ng tv buong araw. dahil sa work kong ito, natutulungan ko si bebe, kaysa naman sya lang ang kumakayod. dahil sa work kong ito, nakakatulong pa kami sa aming pamilya. dahil sa work kong ito………………..

nakakapag-blog ako, hahaha….

pinoy ka nga ba?

my habibi sent me an email entitled “tagalugin”!

it is a list of 100 english words, then you have to supply the corresponding tagalog term. here’s the 1st 25 words… πŸ˜‰ (nakakuha ako ng 14 correct answers, hehehe)… tignan natin ang sa inyo πŸ™‚

1 adjective
2 advise
3 alternate
4 announcement
5 approach
6 art
7 attach
8 author
9 benefit
10 blackboard
11 book
12 building, (noun)
13 but
14 calendar
15 calf
16 care
17 chalk
18 city
19 clock
20 cloud
21 compare
22 copy
23 customs
24 danger
25 department

blogging newbie

it’s been 3 days since mag-sign up ako for a blog, my first ever blog… hahaha, 2008 na saka lang nagka-blog? huwaat…

diko pa alam ang features nito, kung pano mag-link, maglagay ng avatar, etc etc… pasasaan man ay magagawa ko rin ito… hindi man ngayon, baka bukas… πŸ˜›

i’ve registered saΒ  wordpress pinoys, hoping na makakakuha ako ng infos dun about blogging, kaya ko to… yehey…