maligayang kaarawan, aking mahal

masaya ako, nadagdagan na naman ang taon sa buhay mo…
masaya ako, panibagong taon na naman ng kaalaman, kasiyahan at pagpapaunlad sa buhay mo…
masaya ako, dahil kasama mo ako…

wala akong regalong materyal, meron lang ako ng wagas na pagmamahal na buong pusong tinutumbasan ang pag-ibig mo…

Photobucket

happy 28th birthday
nono

you are the greatest gift of God not only to me
but to all the people around you…

you touched our lives in your own special way
especially mine

i am so grateful to be your better half

i love you more than yesterday

may you get all the things you hoped and prayed for
cause you truly deserve it…

happy birthday and i love you baby!

bee

my angel mamu

mag-tatatlong taon na mula ng lisanin mo ang mundo, apat na taon kang lumaban para sa amin, nilabanan mo ang sakit mo dahil ayaw mo kaming iwan. palagi naming tanong kung bakit ikaw pa ang nagkaroon ng ganyang sakit, bakit ikaw na mabait at matulungin ang nakaranas ng pahirap dahil sa sakit mong diabetes.

labas-masok tayo sa ospital nun, nawalan ka ng paningin, pero di naging sagabal ito para maging ina ka pa rin sa amin, tanggap ko na yun, pero nahirapan akong nakikita kang nasa dialysis room dahil humina na ang iyong kidney dulot ng kumplikasyon na rin ng sakit mo. dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo nasa ospital ka para sa session mo, ngunit kahit ganun ang kalagayan mo, pinilit mo pa ring mabuhay ng normal, hindi nawala sayo ang pagiging masayahin.

isang taon ang nakalipas mula nang i-dialysis ka, kadarating ko lang mula sa office nun, si utol umiiyak at tumakbo sa akin, hindi ka na daw humihinga, humagulgol kaming dalawa dahil wala ka na. malungkot kami ng kunin ka na samin ng Maykapal, pero masaya na rin kami dahil dyan sa lugar mo ngayon, wala ka ng sakit na mararamdaman, hindi ka na mahihirapan… 😦

nangungulila ako sayo mamu, miss na miss ko ang lahat sayo, sayang lang at di mo na nasasaksihan ang mga pangyayari sa buhay ko, di ka na nakadalo sa kasal ko pero alam ko kahit wala ka sa tabi namin physically, patuloy mo lang kami ginagabayan sa bawat araw.

mahal na mahal kita mamu, miss na miss kita, anong handa mo dyan? maligayang bati sayo ha!

mamu – (july 6, 1954-october 22,  2005)

Papu

hindi ko alam kung pano ko uumpisahan, ewan ko ba, lost of words ako basta ikaw ang pinag-uusapan, walang pagsidlan ang tuwa ko dahil ikaw ang naging tatay ko. no words can express how much grateful i am to be your daughter.

Photobucket

10 years old ako noon ng lakas loob mo kaming iwanan patungo sa gitnang silangan para sa aming magandang kinabukasan, kumportable naman tayong namumuhay, kung hindi lang nagsara ang inyong kumpanyang pinagtatrabahuan, kaya kinailangan mong lumayo at umalis ng bansa, malungkot man na iwan mo kami at malayo sa amin, di mo na alintana basta kami’y mabigyan ng masaganang pamumuhay.

masaya naman tayo kahit malayo sa isa’t isa, lagi kang tumatawag, tayo ay nagsusulatan at di mo nakakalimutang ipaalala na kami’y mag-aral ng mabuti. wag mag-aaway at sumunod kay mamu at malupit doon ay pinapaalala mo samin na laging mag-sipilyo (hehe). damang-dama namin ang iyong pagmamahal. taon-taon ang bakasyon mo, itinataon sa bakasyon namin at di mo pinapalagpas ang recognition day namin, sinisikap ko na may medalya para makaakyat ka sa stage sa pag-uwi mo, dun lang naman ako makakabawi sayo. 🙂 wala kasing sasarap sa ngiti mo at banaag sa mukha mo na ipinagmamalaki mo ako…

ngunit dumating sa atin ang pagsubok, nagkasakit ang mahal mong kabiyak, si mamu, alam kong nalulungkot ka, alam kong mahirap para sayo, pero di mo kami pinag-alala, sinikap mong itaguyod pa rin kami sa kabila ng mga problema, di pa rin kami nahirapan sa pamumuhay. apat na taong labas-masok sa ospital si mamu pero di ka sumuko at patuloy mo kaming binibigyan ng rason para mamuhay ng normal. ikaw ay nakikipagsapalaran parin sa ibang bansa upang matustusan ang pampagamot sa kanya at upang huwag kaming mahirapan sa buhay. lungkot na lungkot ako ng magpaalam na si mamu at di mo naabutang sya ay humihinga.(2005)

ipinagpatuloy natin ang buhay ng wala si mamu, mas lalo tumibay ang ating samahan bilang tatay at anak. at ngayon ay nag-retiro ka na sa pagiging ofw, panahon na para pagtuunan mo na ang sarili mo, mag-enjoy ka lang at sasamahan ka namin, kahit nag-asawa na ako, aalagaan pa rin kita, mahal na mahal kita papu, miss na miss na rin kita, Happy father’s day to the greatest father, Mr. Rodolfo…