happy puso!!!

May pasok ako nung Feb. 14, regular working time during Saturday is til 1230nn, pero dahil minsan nang-aasar ang panahon, I was asked by my boss (Thursday pa lang) to stay the whole day kasi darating ang Big boss from Germany, ang saya-saya!!! Si habibi walang pasok ng Saturday (ang daya!).

Previous plan was he’ll accompany me here in the office and after we’ll go malling lang, kaso dahil darating nga si Big boss, hindi natuloy (although, we went out already nung Feb. 13)… hahay…

Inip na inip ako sa office, si habibi tawag-tawag lang to check me. Gusto ko nang umuwi kasi I just want to spend the day with him, 95th monthsary rin kasi namin since March 2001, hahaha…

430pm, uwian ko na, sa sobrang pang-aasar na naman, ang service ko dumating ng 530pm pa na kadalasan ang dating nya naman ay 415pm bakit kung kelan gusto ko nang umuwi, late sya, hahay, nakakaloka na to!!!

6pm, dumating ako sa bahay, I was welcomed by a hug and kiss by habibi. Nadatnan ko sya nag-preprepare ng dinner… He gave me flowers and then I hugged him again, ang saya ko na, iba talaga kasi pag binibigyan ang babae ng bulaklak, big deal na rin kasi kahit mag-asawa na kami, may flowers pa rin ako. hehehe… Yung ulam namin, binili nya sa “carrefour”, yung mga lutong-ulam ba, hahaha..
Photobucket

Buo na Valentine’s ko with the flowers and syempre dahil kasama ko na sya. After saying graces, we’re about to eat, sabi nya, “beb, may dumi sa ilalim ng plato mo” So ako, tinignan ko naman, may note na may something daw ako sa may chiller ng fridge, binuksan ko yung fridge at ayun may chocolate ako, hahaha, natawa ako at naexcite.
Photobucket

sa chocolate box, may note na naman, (trivia form), may something daw sa favorite cap nya, kaya kinuha ko yung cap nya na red orange.
Photobucket

sa ilalim ng cap, may trivia ulit, pag nasagot ko, I have to check one of my bags daw at ako’y may premyo, voila… may bago na naman akong bag, hahaha…
PhotobucketPhotobucket

hindi na ako makahinga sa excitement at super overwhelmed talaga ako, binuksan ko yung new bag ko at may note na naman, I have to check the calendar at andun daw yung clue, I went to our wall calendar and the note said that I have something in his closet, isang prutas!
PhotobucketPhotobucket

isang prutas nga, I got a new Mango charm bracelet watch… after that, I cried while I hugged him, hindi ko kinaya ang surprise nya (hindi naman dahil wala akong regalo sa kanya, hahaha), I just didn’t expect that he’ll prepare those things, Im so blessed to have my husband, rudeen. Thank you baby…
PhotobucketPhotobucket

that’s how we celebrated Valentine… kayo ba nag-celebrate din? 🙂

Banner generated at Pimp-My-Profile.com

Advertisements

maligayang kaarawan, aking mahal

masaya ako, nadagdagan na naman ang taon sa buhay mo…
masaya ako, panibagong taon na naman ng kaalaman, kasiyahan at pagpapaunlad sa buhay mo…
masaya ako, dahil kasama mo ako…

wala akong regalong materyal, meron lang ako ng wagas na pagmamahal na buong pusong tinutumbasan ang pag-ibig mo…

Photobucket

happy 28th birthday
nono

you are the greatest gift of God not only to me
but to all the people around you…

you touched our lives in your own special way
especially mine

i am so grateful to be your better half

i love you more than yesterday

may you get all the things you hoped and prayed for
cause you truly deserve it…

happy birthday and i love you baby!

bee

pag-iisang dibdib

  • holy union
  • sacred institution
  • personal contract

Marriage is an important event for every couple who chose to live life together, it’s a seal for a long-lasting relationship.

It’s a gift from God,

Nagpakasal kami ni bebe para lalong pagtibayin ang aming pagmamahalan, pagmamahalan na buong puso at isip naming pinagsisigawan sa mundo. Pagmamahalan na pinagtibay ng basbas ng simbahan at batas. Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, kami na ay mag-asawa.

Walang sinuman ang maaring maghiwalay dahil kami’y pinagbuklod ng pagmamahal ng Diyos…

Photobucket

Maswerte ako at natagpuan ko ang lalaki na nais ko makasama habang buhay, ang lalaki na nais kong makita sa aking bawat paggising, ang lalaki na nais kong makabahagi sa aking lungkot at tuwa, ang lalaki na makakasama ko at patuloy akong mamahalin, kahit maputi na ang buhok ko…

wedding requirements (legal)

Since tapos na ako magpakasal, share ko lang…

Marriage is a legal bond, kaya may mga requirements and/or documents you have to prepare to present to the church (catholic wedding)

  1. Baptismal and Confirmation Certificates – you have to secure this documents since marriage (matrimony) is a sacrament, this will serve as evidence that you have already received the sacrament of baptism and confirmation before receiving the sacrament of matrimony. ( kelangan may tatak na “for marriage purposes only”, makukuha nyo to sa mismong church kung san kayo bininyagan at kinumpilan).
  2. Marriage License – makukuha to sa city/municipality hall kung san kayo nakatira, kung civilly married ka na, magbigay lang ng certified true copy ng marriage contract nyo with registry number ng lugar kung san kayo nagpa-civil.
  3. Canonical Interview – conducted by the parish priest, usually kung sino nag-interview sa inyo, yun ang magkakasal sa inyo (face to face confessions to usually, hehe, na-late nga kami sa interview eh, buti nalang di kami napagalitan, ayun, pinaghintay din kami, hahaha).
  4. Pre-marriage seminar – couples should attend this, may certificate ito na nagpapatunay na nag-undergo ka ng seminar, may seminar mismo dun sa church na pagkakasalan nyo kasabay ng ibang couples din na ikakasal (in our case, di kami umabot sa scheduled seminar ng church namin, kasi nga wala kami sa pinas, kaya sa ibang simbahan kami nag-seminar which is in Pasig pa. sa seminar na to, may love story sharing ang bawat couple, nakakatawa, nakakatuwa hehe).
  5. Marriage banns – para itong wedding announcement to be posted sa parish church ng couple, it should be posted for 3 consecutive sundays.

Yan yung mga hininging requirements sa min, other requirements depend on the church you wish to be married in. Inquire nalang kayo, hehehe…

Sydney White

a couple that watches a movie together, stays together… hehehe…

we finished dinner early last night with caldereta (leftover) and fried fish and siomai as our viand… (yummy, nagugutom ulit ako, haha). we agreed to watch a movie saved in his external drive which he just bought also yesterday, (the drive includes movies and some programs, free from his co-employee, hehe).

naghugas na sya ng pinggan, then naglinis na kami ng katawan para ready to sleep na rin in case makatulog kami sa panonood, hahaha… habang hinihintay ko sya, namili na ako ng movie, browse browse lang then nakita ko nga tong sydney white ang title, i love feel good movies lang, so i chose to play it (wishing it’s really a feel good movie). the movie started and ang bida pala ay si amanda bynes, which is tama nga dahil puro teen flicks nga ang mga movies nya, hahaha.

di na nakapalag si bebe, kaya tumabi na rin sya sakin para manuod, ayun, nagustuhan din nya, hahaha, with matching tawa pa… 😛 (hindi rin kami nakatulog sa panonood).

Photobucket

This modern retelling of the classic fairytale follows a beautiful college freshman as she pledges her late mother’s once dignified sorority. But after discovering that today’s sisterhood is not what it used to be, Sydney finds her new home away from home with seven outcasts. With the help of her socially challenged new friends, Sydney will take on the reigning campus queen to attempt to transform the school’s misguided social hierarchy. -imdb

nakakaaliw, tamang-tama sa mga freshies and some socially challenged, haha… 😉

nobody can let you down unless they have your consent… *wink*

what’s for dinner???

everyday ako nag-iisip nyan, dahil kelan lang naman ako natuto magluto, excited ako magluto, sa office palang ako, iniisip ko na yan, hahaha… nauuna ako dumating sa bebe ko, gusto ko pagdating nya, dinner’s ready na, yun kasi yung way ng pagsisilbi ko sa kanya eh, though he’s not obliging me, nung mga unang days namin nga together eh nag-oorder pa kami ng food kasi pareho kaming di marunong magluto, hahaha. pero dahil feel na feel ko na married na ako, i learned how to cook. it all started with recipes downloaded from the internet, i just followed the instructions, and voila, natutunan ko na rin, hahaha… my first ever food na naluto ay pasta, dahil paborito ko to, hehehe..

6pm nasa haus na ako, dating nya 7pm pa, medyo malayo din kasi workplace nya. i enjoy cooking, in fairness, ang sarap kasing nakikita ang hubby ko na kumakain ng niluluto ko, di muna ako susubo until makasubo na sya at mag-comment, haha (ang adeek). and so far, lagi naman syang nasasarapan, hehe (bias sya 😛 ).

i know how to cook adobo, caldereta, kare-kare, sinigang, spaghetti, tinola, igado at marami pa, asus, hehe. masarap naman, sabi ng bebe ko yan eh, hahaha. ano kaya lulutuin ko mamaya? hmmmm… nagugutom tuloy ako, hahaha….

dinner is ready…. later 😛