Ramadan season

Ramadan is a special month of the year for over one billion Muslims throughout the world. It is a time for inner reflection, devotion to God, and self-control. Muslims think of it as a kind of tune-up for their spiritual lives.

During Ramadan fasting becomes obligatory. Sick people, travelers, and women in certain conditions are exempted from the fast but must make it up as they are able. (4:30am to 6:30pm ang fasting time nila)

Dahil nasa Muslim country ako, kailangan, rumespeto sa mga paniniwala nila, isa na dito ang: bawal kumain o uminom sa labas kung hindi pa iftar (a post-fast meal after sunset). Walang bukas na resto o kainan sa umaga, kung meron man, “take away” lang ang pwede. (baka daw kasi matempt sila, haha). Kahit ang ngumuya ng candy ay bawal, dahil pag mahuli ka, kulong ang katapat mo!

Second time ko na maka-experience ng Ramadan dito sa UAE, and talaga namang favorite season ko to, dahil:

1. 6 hours lang ang office hours, so from 8am-5pm timing, 8am-2pm during Ramadan, oh diba? sino bang di mag-eenjoy nyan? hahaha (nakakainip kaya mag-stay sa office na walang ginagawa πŸ˜› )

2. ang peaceful ng atmosphere, konti ang tao sa kalsada, madali kumuha ng taxi at less ang traffic (wag nga lang between 3-5pm, kasi lahat ng tao, sabay-sabay umuuwi, haha)

3. ang daming sale sa mall at sa mga tindahan, nakakalat lang sa kalsada, ahaha… (yung mga stores kasi along the street, naglalabas ng tinda nila on sale, you can buy shoes na 10 dirhams lang)

4. syempre, mas maaga kami magkita ng habibi ko kasi 3pm naman uwian nya… (excited na nga ulit ako umuwi, hahaha)

Kung para sa mga Muslim, this is a month of sacrifice, para sa akin, a month to enjoy naman! (ang sama ko ba? hahaha) I super love Ramadan!!! Ramadan Kareem to all!!!

Advertisements

walang masulat

walang masulat? eh anong tawag mo dito? nyak, hahaha…

musta naman? September 9 na pala, wala pa pala akong entry for September, ahahaha… ano ba pinagkaabalahan ko? wala naman…

Ramadan kasi dito (Middle East and all Muslims around the world ay sinecelebrate to)… eh ano ngayon??? (Ramadan nga!) … Zzzz

Arte Y Pico Award

Napakatagal na dapat ng blog na ito, overwhelmed pa kasi ako sa championship ng GInebra, nag-prepare for Nono’s bday (my hubby) at stressed dahil sa mga bagay na inaasahan at di natuloy 😦

Pasensya na kay Callcentergal at salamat sayo sa award na ito. πŸ™‚

I didn’t expect na you will consider me for this award… ’nuff said, thank you so much… πŸ™‚

Photobucket
Arte Y Pico

Passing this honor is very easy. Just take note of the following rules:

1) Pick 5 blogs that you would like to award this honor to.
2) Each award has to have the name of the author and also a link to his or her blog to be visited by everyone.
3) Each award winner has to show the award and put the name and link to the blog that has given her or him the award itself.
4) Award-winner and the one who has given the prize have to show the link of β€œArte y Pico” blog, so everyone will know the origin of this award.

And now to pass on the award that was given to me, here are my awardees:

Tapsiboy

Aling Baby

Mixglorioso

Naglalambingnacute

Ayyzzz

Congratulations to us πŸ˜‰ have a nice day, keep smiling and enjoy!!!

tagay sa buong barangay!!!

oh ang ganda ng aking umaga,
feeling ko, ako’y dalagang-dalaga…
sa barangay ng magkakabarkada
buong bansa’y magkakakilala
dumadagundong ang sigaw ng masa

….. NG MAGING CHAMPION ANG GINEBRA!!!

Nakamit ng Ginebra ang kanilang 8th crown, at naging PBA Fiesta Conference Champion 2007-2008 in game 7 of the series laban sa Air 21 Express.

Despite the injuries hurting them since game 1, Brgy. Ginebra proved why they are called the “never-say-die” team, witnessed by around 23,000 fans at the Big Dome.

Thanks for the help of the best import of the conference, Chris Alexander, The Great! (we’ll miss you) and congratulations Eric Menk and Ronald Tubid for bagging the FInals MVP! (Menk played like he’s on his twenties πŸ˜‰ )

Photobucket

Scores:

Ginebra 97 – Tubid 22, Menk 21, Alexander 16, Caguioa 13, Valenzuela 10, Artadi 8, Crisano 4, Pacana 3, Mamaril 0, Salvacion 0, Reavis 0.

Air21 84 – Thomas 24, Santos 19, David 18, Canaleta 8, Billones 6, De Ocampo 5, Cruz 3, Arboleda 1, Kramer 0, Intal 0, Espinas 0, Sotto 0, Se 0.

Quarterscores: 26-21, 49-46, 72-63, 97-84.

BARANGAY GINEBRA KINGS got the bigger heart, as they emerged the champions… πŸ™‚

We are the champions – my friends
And we’ll keep on fighting – till the end –
We are the champions –
We are the champions
No time for losers
‘Cause we are the champions – of the world –

GI-NE-BRA!!! GI-NE-BRA!!! GI-NE-BRA!!!

—- rubee camille po, taga brgy. ginebra πŸ˜‰

heart vs hunger

pasensya na pero tungkol pa rin sa ginebra to, hahaha…

ngayon ang game 7, sudden death, do or die for Brgy. Ginebra vs Air 21… ngayong gabi ang paghuhukom!

sino ang magwawagi? ang Brgy. Ginebra na nagsimula sa ibaba ng standing at umarangkada hanggang umabot ng finals o ang Air 21 na lumalaban para sa kanilang unang kampeonato para sa kanilang franchise history?

Some messages from both teams:

“I WILL NOT GO HOME W/O A CHAMPIONSHIP TROPHY, I LOVE THIS TEAM & I LOVE THE FANS” — chris alexander (bgk import)Β  — these words are really touching 😦 kakaiyak

Imagine, we lost Steven Thomas (on fouls) with over five minutes left to play and we’re beaten by only five. That says a lot that we really can compete,”Β  — bo perasol (air 21 coach)Β  — Imagine, hindi naglalaro si jj helterbrand dahil injured? injured si caguioa, si artadi, si tubid… tapos, na fouled out lang ang import nyo, ganyan na ang reaction mo? hahaha…

β€œYou just leave it to the spirit of the Barangay Ginebra,” coach Jong Uichico said. β€œWe are walking wounded, but the heart is still there. It is the only thing that is keeping us in the series. Good things happen off of that.” — the ever soft-spoken BGK coach

last one from Bo Perasol….Β  “(Ginebra) did nothing special to beat us. We lost because we gave them a lot of second chance points and we made a lot of poor shot selections,” Perasol explained. β€œEven if we lost Steven (Thomas), we just lost by five, and that says a lot of how well we can play this team,” he added. β€œThey (Express) would have to forget what happened tonight because there was really nothing special there — Coach, konting humility naman dyan, hahaha…

*credits to different sources

the last game (game 6) was a history with 18,643 gate attendance in araneta and 2.5 million pesos of ticket sales. tonight, for sure will really be another history!

BGK all the way… GI-NE-BRA!!! GI-NE-BRA!!! ginebrared

Wear RED for those who will watch live at the Araneta! (pula para sa puso ng Barangay!)

Ginebra tumabla!

Yahuuuuuu!!! naipanalo ng Ginebra ang Game 4. resulta? 2-2 ang series, tabla!

Tumawag ako sa pinas para makibalita kung sino panalo, ang replay kasi ng game sa tfc ay 11pm pa ng gabi, tinawagan ko ang papu ko at nalaman ko na panalo ang GInebra, yahuuu!!! ang saya ko, muntikan na akong di makahinga πŸ˜›

Dumating si habibi, nagtext na pala si papu na nanalo Ginebra, hahaha….

Kasabay ng panalo ang pagbalik sa rotation ni Ronald Tubid na galing sa injury at ang pagpapakitang gilas ni Paul Artadi at Cris Pacana (whoa, unbelievable, hahaha).

Photobucket

The scores:

Ginebra 90 — Alexander 22, Pacana 14, Artadi 13, Caguioa 13, Valenzuela 9, Menk 7, Tubid 6, Salvacion 6, Escalona 0, Mamaril 0, Reavis 0, Crisano 0.

Air21 77 — Thomas 19, David 14, Santos 13, Billones 9, Arboleda 7, De Ocampo 4, Se 4, Espinas 3, Kramer 2, Intal 2, Canaleta 0.

Quarterscores: 19-17, 43-40, 68-60, 90-77

Para sa mga manunuod sa Friday, it will be on Cuneta Astrodome, and please wear something GREEN to show your support… Ginebra all the way!!! 3-2 πŸ˜‰

mula sa pananahimik

lintek, august na pala, ang bilis ng araw, tagal ko ring di nakagawa ng entry… πŸ˜› namiss ko ang pagsusulat ng walang kwenta. namiss ko rin magbasa at dumalaw sa aking mga kaibigang blogero, kumusta naman kayo dyan?

in fairness, busy kasi ako these past few days, as if may pakelam kayo, hahaha… nag 1-day holiday rin kasi dito sa uae tapos tumapat din sa weekend, kaya medyo di ako nakagawa ng entry, syempre, i spent it with habibi nalang, di ba?… hay, bakit ba ako nag-eexplain, wala naman humihingi o nag-kecare, wahahaha…

ano na nga bang oras? wala lang, bago lang kasi ang relo ko πŸ˜†
Photobucket esprit bracelet watch from habibi πŸ™‚

pinoy sa likod ng kurtina (forwarded email)

Disclaimer: ang sumusunod na kwento ay hindi pangyayari para sa lahat ng pinoy sa uae… merong sinuwerte, merong hindi naman masyado… ang layunin lang nito ay maliwanagan ang ating mga kababayan na hindi puro sarap ang maging isang ofw… hindi rin nito layunin na siraan ang dubai, nasa inyo pa rin ang huling desisyon…

Over a thousand Filipinos arrive in Dubai every month. And why not?
Literally, the sun shines here all year round; prosperity is in the air; and it’s a place where people have reasons to dream of waking up in the morning as millionaires or with kilos of gold on their lap!

Yun nga lang, habang hindi pa nangyayari yun, iba ang nakikita ng maraming Pinoy pagdilat nila sa umaga — kurtina!

Betcha by golly wow! Paano ko ie-explain to fascinated Pinoys back home our living condition here!
Noong una akala ko isolated cases. But with the skyrocketing apartment rents in this City of Gold, such conditions are becoming the norm.

Sideways…sidesteps

Hindi yan dance step. That’s the latest move ngayon sa mga sharing flats. Sa sobrang liit ng space, patagilid ang galaw. Kaya minsan, mga ka-flatmates, hindi na magkakitaan. “Hoy, where have you bee n, ba? Hindi ka na umuuwi sa flat!” Kasi nga lagi silang naka-sideview!

Warning: Smoking is dangerous to your room.

Hindi health reasons ang dahilan bakit bawal magyosi, no! Ang styrofoam kuya!
Yes, naunahan ng Pinoy ang IKEA sa innovation na yan — Yes, styrofoam walls, styrofoam doors, styrofoam room. Di ba nga naman, styrofoam keeps you fresh! Para kang gulay, o kaya ice candy. Pero siguro mas feel mo minsan na ‘tuna’ ka, o di kaya ‘sirena’ kung feel mong si Claudine ka.
“Ate, di ba fire hazard yan?” “Anong fire ka dyan? Rent ang mas nakakamatay dito!”
“Illegal ang partitions sa Dubai. At least ang styrofoam, pag nagkahulihan, mabilis sa baklasan. Gets mo?!!!” “Yes, Ate.”
Therefore, ‘no smoking’: ang sirena baka maging daing!
Burj Al ‘Cupboards’
Hindi lang Emaar Properties ang may ‘K’ na magtayo ng skyscrapers? Haven’t we heard, the Philippines is a major supplier of architects in Dubai ? In other words, nasa dugo natin yan! Kaya ba ng Arabong gumawa ng rooms out of cupboards, luggages and shoe boxes?
Dati sa airport lang bida ang mga luggages, ngayon multi-purpose na: dividers na rin sila — para ang isang kwarto maging lima!
Pampataas sila sa mga cupboards kasama ng mga shoe boxes na pinaka-antenna.
Siyempre, the taller the better — you keep your neighbor’s eyes away.

Now Showing

Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic!!! Parang barangay, complete with eskinitas. Kada bukas ng telon, parang movie — sari-saring life. May natutulog, may nag-eemote, may nka-curlers, may nakasimangot. Sa panlimang kurtina, may nag-totong-its, sa pang-anim, may naggugupit.
Ang gandang movie, di ba? “Ang Pinoy sa Likod ng Kurtina!”

Paraisong Kurtina


Ayyy! Our Paraisong Kurtina. It can make you laugh, it can make you cry.
Be proud of our Paraisong Kurtina. It exists because we’d rather send our money home than spend more for our comfort. Within its walls, lies our desire for a little privacy, our groans, our tears, our dreams, our struggle for some little savings. My curtain says a lot. It says, “I have saved again, inay; I’ll be able to send money next month.”
Dream mo pa bang pumunta ng Dubai ????
Mag isip-isip….

putek! sayang!

naranasan mo na ba na maiwanan ng bus na hinahabol mo na kung kelan nasa likod ka na nito ay bigla nalang umandar? putek, sayang! nangyari sakin yan nung isang huwebes, halfday lang kasi ako at wala akong carlift pag huwebes, kaya uber habol lagi ako sa oras para maabutan lang ang bus na pang 12:45pm, dahil kung hindi ko maabutan yun, malamang sa oo ay 2:30pm na ako ulit makakasakay. nakakahinayang talaga dahil napagod pa ako sa pagtakbo, pawisan na naiwanan pa… hahahaha…

pero walang sasayang dahil ngayong buwan, niregla na naman ako (paumanhin sa termino), regla na naman nabuo namin ni bebe ko. putek, sayang!!! 😦

Photobucket

ang buhok

i have this long hair for years now, siguro 2003 pa mahaba ang hair ko. hahaha… before akong magpahaba, ang buhok ko ay “gupit siete” o kung tawagin ay “gupit-pogi”. naka-gel pa nga ako nun eh, tawag sakin diether ocampo, minsan naman amor powers (eula valdez sa pangako sa iyo, wehehehe). at mahaba pa buhok ni bebe sa buhok ko, wahahaha…

ngayon naman, naging super haba ng hair ko, hanggang pwet na! wehehehe, medyo nagupitan na kaya hanggang bewang nalang, nyak!

sa init dito sa dubai, medyo mahirap magpahaba ng hair kaya ako ay nagpagupit na πŸ˜›

Photobucket before
Photobucket after

tinago ko yung ginupit na hair ko, remembrance ba πŸ˜› buti nalang pinay yung gumupit sa akin, hindi na ako masyado nahiya magsabi na pakiipon yung buhok ko, hahaha… kaso ginto ang gupit dito, pumapatak na 800 pesos, gupit lang, lintek! hahaha…

what can you say about my hair? πŸ˜›

doble trese

hulyo trese ng 2008, ang edad ko’y naging doble trese… napakasaya ng selebrasyong binigay ni bebe sa akin. friday palang, naghanda na sya ng salo-salo para sa mga kaibigan at kapamilya namin dito sa uae, umaga, nagtext sya sa mga kaibigan namin na may get together ng 430pm, merienda time. pumunta kami ng al falah plaza para bumili ng mga food na ihahanda, to sum it up, naghanda kami ng pizza and chicken and some sweets, nagluto na rin ako ng macaroni spag, pandagdag, hehehe….

Photobucketpizza, pasta & chicken
Photobucketnew look, ahaha

kainan, chikahan at kantahan ang salo-salo kung saan masaya ang lahat at natapos ng 12mn.
Photobucket

sabado, di ako pumasok, plano ko na talaga na hanggang linggo ang bakasyon ko, self-declared bday leave ba, hehehe… so natulog lang ako til 12noon, nagrelax at naghintay sa pag-uwi ni bebe. 730pm na, wala pa ang bebe ko, 7pm na ang pinakamatagal na pagdating nya, tawag ako ng tawag kasi nga naiinip na ako, hindi sumasagot. nung makontak ko, naglalakad na daw sila kasama nya yung kumpare namin na ka-flatmate din namin, wala akong in-expect o naisip na baka may surprise sya o kung anuman, basta excited lang ako para sa kinabukasan dahil aabsent din sya, hehehe…

pagdating nya, pawisan sila kasi nga 45 degrees ang init dito at naglakad pa sila, wala namang kakaiba sa mga kilos nya, nung kumakain na kami, sabi nya, bebe, wala akong gift sayo ha, sabi ko naman, ok lang no, maglalakwatsa naman tayo bukas pero bili mo ako ng cake ha! (nadistort kasi yung cake na binili namin nung friday kasi nabaliktad nya, hehehe). yun lang, after kumain, nagpahinga kami tapos sabi nya:

bebe: idlip muna tayo bebe, pero gisingin mo ako ng 12 ha
me: sige, pero bakit gigisingin pa kita?
bebe: wala, babatiin lang kita ng happy birthday
me: ngek, corny mo! hahaha…

sa madaling salita, nagising nga kami ng 12mn, binati nya ako ng happy birthday bebe! lumabas sya, sabi nya mag-cr lang daw sya, so ako naman, nag-ready to sleep na at humiga na pero nanunuod pa ako ng tv, tapos may kumatok sa pinto, binuksan ko kasi kala ko si mia (anak nila pareng caloy), babatiin siguro ako, pagbukas ko, nandun sila ate merz, pareng caloy, mia at bebe, may dalang cake with candle at gift at kumanta sila ng happy birthday, lintek, di ako nakahanda, nakapantulog na ako at nagtanggal na ng contacts at oily na ang face, hahaha, diko ma-express ang feeling ko, kala ko sa tv lang nangyayari ang mga ganun, hinipan ko na ang kandila pero nagwish muna ako, sympre secret ang wish ko, para magkatotoo, hehehe… na-overwhelm ako kasi marunong na talaga magsurprise si bebe at in fairness hindi ko sya nabuko unlike before na sa super excited nya, nasasabi nya ang mga surprises nya sakin…

Photobucket my beeday cake, di nakuhanan, yung pagblow ko ng candle, hehehe…
Photobucket di ako nakapaghanda, hehehe
Photobucket pocot family
Photobucket with bebe, ang oily ko, hahaha
Photobucket
Photobucket at syempre, ang gift nya nung oras na yun… walang kasawaan sa bag, hehehe…

kinabukasan, we started the day with praying the rosary, tapos naligo na kami, pinagshopping nya ako ng damitPhotobucket pero sya bumili rin ng sapatos (birthday din? )

dumaan sa simbahan, walang simba kasi 1130am yun, kumain kami in a pinoy resto, gusto nya kasi ng bulalo, wahahaha, parang sya may birthday ah, tapos naglakad lakad lang kami sa megamall, (yup may megamall din dito).

at matindi dun, kahit di ko naman pinabili, pinagpilitan nya ito:
Photobucket

bebe, salamat sa napakasayang kaarawan ko, love you very much. happy birthday to me!!!

desert safari

if you are in Dubai or wanting to visit Dubai, you should not miss the desert safari… ayos naman, wala akong bayad sa pag-endorse nito ha, hehehe…

the tour includes the ff:
pick up & drop off of a 4×4 land cruiser
dune bashing
camel riding
arabic costume
henna tattoo
shisha
belly dancing
and a buffet dinner (BBQ dinner)

we have this already last april 2008, at talagang nag-enjoy ako, ang saya ng binabalibag ka, ahaha… kung napanuod nyo yung movie na Dubai, eto yung kung saan nagsuka si John Lloyd (gross, hehehe). daig ko sya, dahil di ako nagsuka…

check out the pics πŸ˜‰
Photobucket sa disyerto, hehe

Photobucket ang bigat daw namin sabi nung camel, haha

Photobucket

Photobucket

Photobucket ang sexy nya!

Photobucket one souvenir you can buy at the camp, it’s personalized, AED 45, pero natawaran namin, AED 40 nalang, hehe… it’s the seven sands, representing the 7 emirates of uae.

the tour costs around AED 150, kung group kayo of 6 persons, mas makakamura, AED 800 lang for 6pax, hehe…

pinoy expo

whoa, ang saya ng weekend namin, di kasi kami nakapagpahinga, di bale, nakapag-larga naman kami, hehehe… thursday halfday…

the 1st pinoy expo here was held in dubai, world trade center, hall 4, june 19-21, 1st day, pumunta kami, since halfday lang kami ni bebe, we had a chance to be with pinoy expats here in dubai, na super dami, hehehe… puro real estates ang mga stalls, walang mga damit damit, except for giordano and natasha, kala ko magiging divisoria dito, hindi pala, hehehe… there’s a mini concert, aed 10 (aed 1 = P 12) ang entrance kung manonood ka, may maliit na bakod lang, kaya yung mga hindi nagbayad ng aed 10, may chance parin makanood sa malayo, saka may big screen naman eh…

Photobucket

that day, si christian bautista ang scheduled performer, (friday – yeng, saturday – nina) ballad night, ok na rin, naka 5 songs sya, sa aed 10, pwede na.

Photobucket