putek! sayang!

naranasan mo na ba na maiwanan ng bus na hinahabol mo na kung kelan nasa likod ka na nito ay bigla nalang umandar? putek, sayang! nangyari sakin yan nung isang huwebes, halfday lang kasi ako at wala akong carlift pag huwebes, kaya uber habol lagi ako sa oras para maabutan lang ang bus na pang 12:45pm, dahil kung hindi ko maabutan yun, malamang sa oo ay 2:30pm na ako ulit makakasakay. nakakahinayang talaga dahil napagod pa ako sa pagtakbo, pawisan na naiwanan pa… hahahaha…

pero walang sasayang dahil ngayong buwan, niregla na naman ako (paumanhin sa termino), regla na naman nabuo namin ni bebe ko. putek, sayang!!! 😦

Photobucket

Advertisements

getting preggy

1 month ago na nang mag-church wedding kami, 25 na ako, turning 26 this july, waaah, matanda na ako, wala pa akong anak, si bebe turning 28 na, hahaha, stress kami, pagod, di pa nakakabuo, walang honeymoon baby, gusto ko nang mabuntis, gusto ko nang may baby sa kwarto namin, sana, sana, makabuo na kami… inggit na ako sa mga may anak, gusto ko nang makita lahi namin ni nono, excited na ako maglihi, excited na ako sa itsura ko kung buntis na ako, excited na akong magbuntis… so help us God…