isang buwan

isang buwan na pala ang lumipas mula ng magkaroon ako ng blog, yehey! nakatagal din ako, hahaha… ano naman napala ko? hehehe… sa totoo lang, nakakalipas oras talaga ang pag-bloblog, im loving it since petiks ako sa work. napapagana ko pa ng konti ang utak ko sa paraan ng pag-iisip ng pwedeng mailathala (ang lalim, whoaa).

nakakilala ng kapwa blogger, natututo at nadadagdagan ang kaalaman sa pagbabasa ng blog ng may blog at tunay na nakakaaliw pag may bumibisita sa site mo.

sa isang buwan, naka 21 posts ako, pang 22 ito (whew), may 640+ na napadpad (mabuhay kayo!) at may 20 bloggers sa blogroll ko! (mahal ko kayo, kahit yung iba wala ako sa link nila, nyahahaha).

salamat sa mga napadaan, sa mga nagbigay kumento at sa mga nag-aksaya ng oras silipin ang blog ko. im so touched πŸ˜› wag sana kayo madala sa pagdaan… hehehe

cheers for more entries to come… yahuuuuuuu !!!

***maligayang ika-2 buwan ng pag-iisang dibdib pala sa bebe ko …. may gagawin tayo mamaya πŸ˜‰

Advertisements

desert safari

if you are in Dubai or wanting to visit Dubai, you should not miss the desert safari… ayos naman, wala akong bayad sa pag-endorse nito ha, hehehe…

the tour includes the ff:
pick up & drop off of a 4×4 land cruiser
dune bashing
camel riding
arabic costume
henna tattoo
shisha
belly dancing
and a buffet dinner (BBQ dinner)

we have this already last april 2008, at talagang nag-enjoy ako, ang saya ng binabalibag ka, ahaha… kung napanuod nyo yung movie na Dubai, eto yung kung saan nagsuka si John Lloyd (gross, hehehe). daig ko sya, dahil di ako nagsuka…

check out the pics πŸ˜‰
Photobucket sa disyerto, hehe

Photobucket ang bigat daw namin sabi nung camel, haha

Photobucket

Photobucket

Photobucket ang sexy nya!

Photobucket one souvenir you can buy at the camp, it’s personalized, AED 45, pero natawaran namin, AED 40 nalang, hehe… it’s the seven sands, representing the 7 emirates of uae.

the tour costs around AED 150, kung group kayo of 6 persons, mas makakamura, AED 800 lang for 6pax, hehe…

hulyo naaaa!

excited ako pag july, kasi malapit na ang birthday ko… yipeeeee!!!

july kasi is my birth month
* cancer ang zodiac sign ko ( pero wala akong cancer ha, hihi )
* ruby naman ang birthstone ko… (rubee ang name ko, hindi dahil yan ang birthstone ko, dahil pinagsama ang nicknames ng papu & mamu ko, which is, rudy & baby, hahahaha)

ano kaya gagawin namin ni bebe? ahaha…

let’s enjoy life, another year will be added to mine, praise the Lord… πŸ™‚ Godbless us all dear bloggers…

barangay ginebra diehard

sino? ako? hindi ah πŸ˜›

1. umiiyak ako pag talo (when i was younger), ngayon, mangilid-ngilid na lang luha ko. (matured na ko eh.)

2. todo cheer ako kahit sa tv lang ako nanunuod at tipong nagugulat mga kapit-bahay pag sumisigaw ako pag naka-shoot, kala nila may emergency sa bahay. … wag ka, nag-cha-chant pa ko ng GI-NE-BRA sa tapat ng tv… lintek yan Grin

3. ang sakit ng kamay ko after watching the game, todo palakpak kasi ako everytime maka-shoot at maganda ang play nila.

4. dasal ako ng dasal pag close games, tipong nag-sisign of the cross pa ako pag na-shoot ang bola at sabay sambit ng “Salamat po Diyos ko” .

5. todo tanggol sa team sa mga nanunukso, kantiin mo na lahat, wag lang ginebra ko.

6. apektado buong araw ko pag natatalo, feeling ko loser talaga ako Grin

7. nakapanood ako ng live kahit sang venue pa yan, araneta, cuneta at ynares hanggang sa dubai at walang pakealam sa pag-cheer kahit nasa tabi ko ay fan ng ibang team…

8. kinikilabutan ako pag pinapakinggan ko ang mga kanta ni gary granada, super proud ako at kinakanta ko pa mga kantang yan… hahahaha.

iba talaga pag kabarangay ka, walang sasaya pa sa mga panalo ng ginebra at walang lulungkot pag sila nama’y natatalo… parte na ng buhay ng kabarangay ang ginebra team…

kabarangay ako sa puso’t isipan…

superkittyman

kung sya ang superhero mo, magpapasagip ka pa rin ba?

Photobucket
naloka ako sa outfit, hehe

it’s a bird, errr… it’s kitty man……

pag-iisang dibdib

  • holy union
  • sacred institution
  • personal contract

Marriage is an important event for every couple who chose to live life together, it’s a seal for a long-lasting relationship.

It’s a gift from God,

Nagpakasal kami ni bebe para lalong pagtibayin ang aming pagmamahalan, pagmamahalan na buong puso at isip naming pinagsisigawan sa mundo. Pagmamahalan na pinagtibay ng basbas ng simbahan at batas. Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, kami na ay mag-asawa.

Walang sinuman ang maaring maghiwalay dahil kami’y pinagbuklod ng pagmamahal ng Diyos…

Photobucket

Maswerte ako at natagpuan ko ang lalaki na nais ko makasama habang buhay, ang lalaki na nais kong makita sa aking bawat paggising, ang lalaki na nais kong makabahagi sa aking lungkot at tuwa, ang lalaki na makakasama ko at patuloy akong mamahalin, kahit maputi na ang buhok ko…

wedding requirements (legal)

Since tapos na ako magpakasal, share ko lang…

Marriage is a legal bond, kaya may mga requirements and/or documents you have to prepare to present to the church (catholic wedding)

  1. Baptismal and Confirmation Certificates – you have to secure this documents since marriage (matrimony) is a sacrament, this will serve as evidence that you have already received the sacrament of baptism and confirmation before receiving the sacrament of matrimony. ( kelangan may tatak na “for marriage purposes only”, makukuha nyo to sa mismong church kung san kayo bininyagan at kinumpilan).
  2. Marriage License – makukuha to sa city/municipality hall kung san kayo nakatira, kung civilly married ka na, magbigay lang ng certified true copy ng marriage contract nyo with registry number ng lugar kung san kayo nagpa-civil.
  3. Canonical Interview – conducted by the parish priest, usually kung sino nag-interview sa inyo, yun ang magkakasal sa inyo (face to face confessions to usually, hehe, na-late nga kami sa interview eh, buti nalang di kami napagalitan, ayun, pinaghintay din kami, hahaha).
  4. Pre-marriage seminar – couples should attend this, may certificate ito na nagpapatunay na nag-undergo ka ng seminar, may seminar mismo dun sa church na pagkakasalan nyo kasabay ng ibang couples din na ikakasal (in our case, di kami umabot sa scheduled seminar ng church namin, kasi nga wala kami sa pinas, kaya sa ibang simbahan kami nag-seminar which is in Pasig pa. sa seminar na to, may love story sharing ang bawat couple, nakakatawa, nakakatuwa hehe).
  5. Marriage banns – para itong wedding announcement to be posted sa parish church ng couple, it should be posted for 3 consecutive sundays.

Yan yung mga hininging requirements sa min, other requirements depend on the church you wish to be married in. Inquire nalang kayo, hehehe…

pinoy expo

whoa, ang saya ng weekend namin, di kasi kami nakapagpahinga, di bale, nakapag-larga naman kami, hehehe… thursday halfday…

the 1st pinoy expo here was held in dubai, world trade center, hall 4, june 19-21, 1st day, pumunta kami, since halfday lang kami ni bebe, we had a chance to be with pinoy expats here in dubai, na super dami, hehehe… puro real estates ang mga stalls, walang mga damit damit, except for giordano and natasha, kala ko magiging divisoria dito, hindi pala, hehehe… there’s a mini concert, aed 10 (aed 1 = P 12) ang entrance kung manonood ka, may maliit na bakod lang, kaya yung mga hindi nagbayad ng aed 10, may chance parin makanood sa malayo, saka may big screen naman eh…

Photobucket

that day, si christian bautista ang scheduled performer, (friday – yeng, saturday – nina) ballad night, ok na rin, naka 5 songs sya, sa aed 10, pwede na.

Photobucket

blog design

shocks, sa kaka blog hop ko, nakatagpo ako ng mga kaparehong theme ko, wahahaha… ayoko ng ganito, gusto ko palitan ang blog design ko, hehehe…

ano kaya maganda? gusto ko green ang color, gusto ko rin hello kitty… ano kaya? hmmmm….

patience

wala ako nyan…

meron pala, pero konting-konti lang… πŸ˜›

naiinip na ako… 😦

trabaho

pasok na naman??? yan lagi ko sinasabi tuwing sabado, (fridays ang weekend dito), ewan ko ba, tamad na tamad ako tuwing sabado, kulang na kulang ang kalahati ng huwebes at buong araw ng biyernes para magpahinga, kaya madalas absent ako ng sabado, pero linggo kahapon, absent ako (maiba lang, hehe).

hindi naman ako nahihirapan sa trabaho ko, napakaswerte ko nga at puro petiks lang ako dito, ano ba ang ikinakatamad ko? ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng 2 days-off, tipong friday at saturday ba… kung hindi naman ako magtratrabaho, sayang naman yung kinikita ko, kahit maliit lang, saka wala naman ako gagawin sa bahay, maaasar lang sakin si bebe kasi kukulitin ko lang sya habang nasa opisina sya, hahaha.

dahil sa work kong ito, productive ako kaysa naman nasa bahay lang manonood ng tv buong araw. dahil sa work kong ito, natutulungan ko si bebe, kaysa naman sya lang ang kumakayod. dahil sa work kong ito, nakakatulong pa kami sa aming pamilya. dahil sa work kong ito………………..

nakakapag-blog ako, hahaha….

Papu

hindi ko alam kung pano ko uumpisahan, ewan ko ba, lost of words ako basta ikaw ang pinag-uusapan, walang pagsidlan ang tuwa ko dahil ikaw ang naging tatay ko. no words can express how much grateful i am to be your daughter.

Photobucket

10 years old ako noon ng lakas loob mo kaming iwanan patungo sa gitnang silangan para sa aming magandang kinabukasan, kumportable naman tayong namumuhay, kung hindi lang nagsara ang inyong kumpanyang pinagtatrabahuan, kaya kinailangan mong lumayo at umalis ng bansa, malungkot man na iwan mo kami at malayo sa amin, di mo na alintana basta kami’y mabigyan ng masaganang pamumuhay.

masaya naman tayo kahit malayo sa isa’t isa, lagi kang tumatawag, tayo ay nagsusulatan at di mo nakakalimutang ipaalala na kami’y mag-aral ng mabuti. wag mag-aaway at sumunod kay mamu at malupit doon ay pinapaalala mo samin na laging mag-sipilyo (hehe). damang-dama namin ang iyong pagmamahal. taon-taon ang bakasyon mo, itinataon sa bakasyon namin at di mo pinapalagpas ang recognition day namin, sinisikap ko na may medalya para makaakyat ka sa stage sa pag-uwi mo, dun lang naman ako makakabawi sayo. πŸ™‚ wala kasing sasarap sa ngiti mo at banaag sa mukha mo na ipinagmamalaki mo ako…

ngunit dumating sa atin ang pagsubok, nagkasakit ang mahal mong kabiyak, si mamu, alam kong nalulungkot ka, alam kong mahirap para sayo, pero di mo kami pinag-alala, sinikap mong itaguyod pa rin kami sa kabila ng mga problema, di pa rin kami nahirapan sa pamumuhay. apat na taong labas-masok sa ospital si mamu pero di ka sumuko at patuloy mo kaming binibigyan ng rason para mamuhay ng normal. ikaw ay nakikipagsapalaran parin sa ibang bansa upang matustusan ang pampagamot sa kanya at upang huwag kaming mahirapan sa buhay. lungkot na lungkot ako ng magpaalam na si mamu at di mo naabutang sya ay humihinga.(2005)

ipinagpatuloy natin ang buhay ng wala si mamu, mas lalo tumibay ang ating samahan bilang tatay at anak. at ngayon ay nag-retiro ka na sa pagiging ofw, panahon na para pagtuunan mo na ang sarili mo, mag-enjoy ka lang at sasamahan ka namin, kahit nag-asawa na ako, aalagaan pa rin kita, mahal na mahal kita papu, miss na miss na rin kita, Happy father’s day to the greatest father, Mr. Rodolfo…

ginebra won again

BARANGAY GINEBRA TURNS BACK PUREFOODS

Helterbrand, Tubid, Alexander shine anew in Caguioa’s absence

Napakasarap ng pakiramdam pag nanalo ang ginebra, alam ko buong barangay ang nakakaramdam nito, hindi lamang ako. Namnamin ang saya at ligaya… GINEBRA! GINEBRA! Thanks to jj, ronald, junthy and to their prolific import, chris alexander. Even Mark Caguioa was sidelined due to injury, they still managed to win, hep hep! 6-8 na standing nila, hehehe… they started slow this confy, pero bumabawi na sila, sana magtuloy-tuloy na, hanggang sa championship (bakit hindi?).

O kay ganda ng aking umaga
Feeling ko wala akong asawa
At ang dati kong boyfriend ay hiwalay na
PAGNANANALO ANG GINEBRA
(composed by Gary Granada)

morning message

I’m already at the office, while my hubby was still on his way to office when i received an sms (text) from him…

bebeko gud am po. luvkta ma, sana damang dama nyo kasi ako damang dama ko tagos hanggang buto ang luv nyo for me. thanks po bebeko, stay hapi, luvkta, tayo lang po.

a very good reason to start my day, hehehe… love u so much bebe *mwah*… thanks for appreciating me πŸ™‚

pinoy ka nga ba?

my habibi sent me an email entitled “tagalugin”!

it is a list of 100 english words, then you have to supply the corresponding tagalog term. here’s the 1st 25 words… πŸ˜‰ (nakakuha ako ng 14 correct answers, hehehe)… tignan natin ang sa inyo πŸ™‚

1 adjective
2 advise
3 alternate
4 announcement
5 approach
6 art
7 attach
8 author
9 benefit
10 blackboard
11 book
12 building, (noun)
13 but
14 calendar
15 calf
16 care
17 chalk
18 city
19 clock
20 cloud
21 compare
22 copy
23 customs
24 danger
25 department

Sydney White

a couple that watches a movie together, stays together… hehehe…

we finished dinner early last night with caldereta (leftover) and fried fish and siomai as our viand… (yummy, nagugutom ulit ako, haha). we agreed to watch a movie saved in his external drive which he just bought also yesterday, (the drive includes movies and some programs, free from his co-employee, hehe).

naghugas na sya ng pinggan, then naglinis na kami ng katawan para ready to sleep na rin in case makatulog kami sa panonood, hahaha… habang hinihintay ko sya, namili na ako ng movie, browse browse lang then nakita ko nga tong sydney white ang title, i love feel good movies lang, so i chose to play it (wishing it’s really a feel good movie). the movie started and ang bida pala ay si amanda bynes, which is tama nga dahil puro teen flicks nga ang mga movies nya, hahaha.

di na nakapalag si bebe, kaya tumabi na rin sya sakin para manuod, ayun, nagustuhan din nya, hahaha, with matching tawa pa… πŸ˜› (hindi rin kami nakatulog sa panonood).

Photobucket

This modern retelling of the classic fairytale follows a beautiful college freshman as she pledges her late mother’s once dignified sorority. But after discovering that today’s sisterhood is not what it used to be, Sydney finds her new home away from home with seven outcasts. With the help of her socially challenged new friends, Sydney will take on the reigning campus queen to attempt to transform the school’s misguided social hierarchy. -imdb

nakakaaliw, tamang-tama sa mga freshies and some socially challenged, haha… πŸ˜‰

nobody can let you down unless they have your consent… *wink*

what’s for dinner???

everyday ako nag-iisip nyan, dahil kelan lang naman ako natuto magluto, excited ako magluto, sa office palang ako, iniisip ko na yan, hahaha… nauuna ako dumating sa bebe ko, gusto ko pagdating nya, dinner’s ready na, yun kasi yung way ng pagsisilbi ko sa kanya eh, though he’s not obliging me, nung mga unang days namin nga together eh nag-oorder pa kami ng food kasi pareho kaming di marunong magluto, hahaha. pero dahil feel na feel ko na married na ako, i learned how to cook. it all started with recipes downloaded from the internet, i just followed the instructions, and voila, natutunan ko na rin, hahaha… my first ever food na naluto ay pasta, dahil paborito ko to, hehehe..

6pm nasa haus na ako, dating nya 7pm pa, medyo malayo din kasi workplace nya. i enjoy cooking, in fairness, ang sarap kasing nakikita ang hubby ko na kumakain ng niluluto ko, di muna ako susubo until makasubo na sya at mag-comment, haha (ang adeek). and so far, lagi naman syang nasasarapan, hehe (bias sya πŸ˜› ).

i know how to cook adobo, caldereta, kare-kare, sinigang, spaghetti, tinola, igado at marami pa, asus, hehe. masarap naman, sabi ng bebe ko yan eh, hahaha. ano kaya lulutuin ko mamaya? hmmmm… nagugutom tuloy ako, hahaha….

dinner is ready…. later πŸ˜›

tying the knot

Yes, I’ve tied the knot, a month ago, May 3, 2008 at 930am to be exact. One of the best events of my life, ako ang bida, ako ang sentro. hehehe
Photobucket

Been together for 7 years with my bebe, surpassed all ups and downs, ready to face more ups and downs, hahaha… Im an incoming 3rd year accountancy student then and my bebe ay 5th yr naman, taking up mechanical engineering nang kami’y maging official. We’ve chosen to live life under God’s blessings, ang sarap ng feeling, at last, nakaraos na kami. I am more secured than ever (btw, i trust my bebe, secure naman talaga ako, hehe)

Happy 1st wedding monthsary bebe! love u more than yesterday :-*

flying thru thai airways…

Thai Airways … Smooth as silk Photobucket

Lupet sa tagline, hahaha, smooth as silk nga ba?

April 16, 2008, we’re bound to manila from here (dubai) with my habibi (an Arabic word that literally means my beloved), it will be my first vacation being an ofw, hahaha, we chose thai airways because it’s cheaper than taking emirates and there’s no more available flight for that date kasi hinahabol namin ang graduation ng bro namin on the 18th, and so, after 1 year & 5 months, pinas here i come…

10:30pm ang boarding time, around 9pm tapos na kami checking-in, all luggages were of the required weight, nakahinga kami ng maluwag kasi madami kaming dala at maraming nagpadala, hahaha. We took pictures sa duty free, tingin-tingin lang, lakad lakad, attend to call of nature then we just stayed at the lobby taking calls and advising friends and family that everything went fine and we’re just waiting for our boarding. We boarded around 11pm, after makasakay ng lahat ng passengers, the captain announced that there will be a delay. Technical problem daw. nakatulog ako sa pagod at antok, ginising ako ni habibi dahil sinerve na ang meal around 12mn, so kumain ako sa super gutom, as in naubos, hahaha. Around 2am, the captain annouced that we have to disembark the plane, kasi di na talaga sya magagawa… whaaaaat??? after 4hours? dun lang napagtanto… pupungas-pungas pa ako ng tumayo, halos matumba sa paglakad kasi ang dami rin naming hand-carry, lintik yan, hahaha.

Nagkagulo ang mga sakay, lahat asar, lahat pagod, kawawa naman yung mga may dalang baby, pinag-stay lang kami sa airport lounge at pinaghintay for the developments. Sa sobrang antok ko, nakatulog ako sa lapag, hinayaan nalang ako matulog ni habibi kesa naman daw umiyak ako sa inis, hehehe. 4am, ang next flight daw namin ay via emirates na, 9am ang flight schedule, so we waited lang, tinuloy ko syempre ang tulog ko, walang kain, walang ligo, hahaha. Since, wala kaming seat no. unahan ang mga pasahero para makapag-check in, waaah, takbo rito, takbo roon, nakakatawang, nakakainis.

After namin makaupo, water and earphones were distributed to us. Nagrerelax na kami ng biglang may announcement na naman, the flight is not possible daw due to legalities, waah, after naming tumakbo, sumakay at maupo, hindi pa rin tuloy? (we assumed na baka di nagkasundo sa presyo between thai and emirates) screams and roars filled the plane, super frustrated na ang mga passengers, lahat galit na, lahat pagod. Ano ba magagawa namin? wala, so we disembarked the plane at once, ang lupet ng pangyayaring ito.

We were advised to go to a nearest hotel from the airport, all expenses paid, bakit ngayon lang nila napagtanto? we were checked in at avari hotel, 4star hotel din naman, ok na, we had our lunch there, shower and rest, our next flight was scheduled same time as yesteday… that was 24 hours delay, hindi na kami aabot for the graduation pero ang gusto nalang namin ay makauwi na…

At last, natuloy din ang flight, since it’s a connecting flight, we have stopover sa bangkok, at dun we were delayed by 6 hours, hahaha… napakasaya… i won’t tell anymore what happened sa bangkok, maybe sa next entries ko, ang haba na nito, hehehe…

Sa wakas, we reached pinas at 730pm of april 18, 2008, buti nalang nagtyaga ang kapatid ko sa pag-antay samin, wala kasi silang alam kung kelan kami darating kasi nga di na kami nakakontak sa kanila after matuloy ang flight namin, God is really good…

Thai airways? smooth as silk… nahhhh…. hard as rock, maybe πŸ˜›

blogging newbie

it’s been 3 days since mag-sign up ako for a blog, my first ever blog… hahaha, 2008 na saka lang nagka-blog? huwaat…

diko pa alam ang features nito, kung pano mag-link, maglagay ng avatar, etc etc… pasasaan man ay magagawa ko rin ito… hindi man ngayon, baka bukas… πŸ˜›

i’ve registered saΒ  wordpress pinoys, hoping na makakakuha ako ng infos dun about blogging, kaya ko to… yehey…

« Older entries Newer entries »