heart vs hunger

pasensya na pero tungkol pa rin sa ginebra to, hahaha…

ngayon ang game 7, sudden death, do or die for Brgy. Ginebra vs Air 21… ngayong gabi ang paghuhukom!

sino ang magwawagi? ang Brgy. Ginebra na nagsimula sa ibaba ng standing at umarangkada hanggang umabot ng finals o ang Air 21 na lumalaban para sa kanilang unang kampeonato para sa kanilang franchise history?

Some messages from both teams:

“I WILL NOT GO HOME W/O A CHAMPIONSHIP TROPHY, I LOVE THIS TEAM & I LOVE THE FANS” — chris alexander (bgk import)  — these words are really touching :( kakaiyak

Imagine, we lost Steven Thomas (on fouls) with over five minutes left to play and we’re beaten by only five. That says a lot that we really can compete,”  — bo perasol (air 21 coach)  — Imagine, hindi naglalaro si jj helterbrand dahil injured? injured si caguioa, si artadi, si tubid… tapos, na fouled out lang ang import nyo, ganyan na ang reaction mo? hahaha…

“You just leave it to the spirit of the Barangay Ginebra,” coach Jong Uichico said. “We are walking wounded, but the heart is still there. It is the only thing that is keeping us in the series. Good things happen off of that.” — the ever soft-spoken BGK coach

last one from Bo Perasol….  “(Ginebra) did nothing special to beat us. We lost because we gave them a lot of second chance points and we made a lot of poor shot selections,” Perasol explained. “Even if we lost Steven (Thomas), we just lost by five, and that says a lot of how well we can play this team,” he added. “They (Express) would have to forget what happened tonight because there was really nothing special there — Coach, konting humility naman dyan, hahaha…

*credits to different sources

the last game (game 6) was a history with 18,643 gate attendance in araneta and 2.5 million pesos of ticket sales. tonight, for sure will really be another history!

BGK all the way… GI-NE-BRA!!! GI-NE-BRA!!! ginebrared

Wear RED for those who will watch live at the Araneta! (pula para sa puso ng Barangay!)

Ginebra tumabla!

Yahuuuuuu!!! naipanalo ng Ginebra ang Game 4. resulta? 2-2 ang series, tabla!

Tumawag ako sa pinas para makibalita kung sino panalo, ang replay kasi ng game sa tfc ay 11pm pa ng gabi, tinawagan ko ang papu ko at nalaman ko na panalo ang GInebra, yahuuu!!! ang saya ko, muntikan na akong di makahinga :P

Dumating si habibi, nagtext na pala si papu na nanalo Ginebra, hahaha….

Kasabay ng panalo ang pagbalik sa rotation ni Ronald Tubid na galing sa injury at ang pagpapakitang gilas ni Paul Artadi at Cris Pacana (whoa, unbelievable, hahaha).

Photobucket

The scores:

Ginebra 90 — Alexander 22, Pacana 14, Artadi 13, Caguioa 13, Valenzuela 9, Menk 7, Tubid 6, Salvacion 6, Escalona 0, Mamaril 0, Reavis 0, Crisano 0.

Air21 77 — Thomas 19, David 14, Santos 13, Billones 9, Arboleda 7, De Ocampo 4, Se 4, Espinas 3, Kramer 2, Intal 2, Canaleta 0.

Quarterscores: 19-17, 43-40, 68-60, 90-77

Para sa mga manunuod sa Friday, it will be on Cuneta Astrodome, and please wear something GREEN to show your support… Ginebra all the way!!! 3-2 ;)

all for Brgy. Ginebra Kings

August 13, 2008, Game 4 of the finals between Brgy. Ginebra Kings and Air 21 Express.

As per BGK’s management, they are requesting all BGK fans to wear red if they will watch live at the Araneta Coliseum, Cubao (kahit sa tv lang manunuod, mag-pula na rin!) :lol:

Let’s cheer for the Barangay!!! 2-2 on Game 4!!!

Gi-ne-bra! Gi-ne-bra! Gi-ne-bra!!!

Photobucket
Mark “The Spark” Caguioa -pic courtesy of kuya cm

ang barangay royal run

Sino bang mag-aakala na ang Ginebra ko ay aabot ng finals, (syempre, isa ako sa naniwala :P )? Nag-umpisa sila ng 0-5 bago makabuslo ng isang panalo laban sa Purefoods. Naka-tatlong palit ng import hanggang mahanap nila ang sakto sa kanila. Salamat sa tulong ni Cris Alexander!

Dumating din si Junthy Valenzuela kapalit ng future draft picks, dati ayoko sa kanya pero ngayon lab na lab na sya ng barangay. Na-injure si Ronald Tubid pero nag step-up naman si Paul Artadi.

Mula June 1, 2008 hanggang August 7, 2008, hindi natalo ang Ginebra ko. 13 games winning streak, sinong hindi mamamangha dun? Naipanalo nila ang rest of the games ng 2nd round of elimination, na-sweep ang Quarterfinals vs Sta. Lucia, Na-sweep ang Semifinals vs Redbull, at naipanalo ang Finals game 1 vs Air 21. Sa pangunguna ng The Fast and The Furious.

Photobucket
Photobucket

Biyernes, August 8, 2008, Finals game 2, natambakan ang barangay ko ng bonggang-bongga! Na-injure pa si Jayjay Helterbrand (The Fast), at posibleng hindi na makabalik para sa Finals. Tanggap ko na eh, pumatas lang ang series sa 1-1. Pero kahapon, August 10, 2008….. talo na naman… :(

Photobucket

2-1 ang series, in favor of Air 21… Guguho na naman ba ang pangarap ng buong barangay o magpapatuloy ang royal run…???

***credits to pba.ph for the pics

Tag-taranan….

Been tagged by cuz lambing D

Here are the Rules

1. List at least 6 things (all-in) that describe yourself yesterday and today.
2. Add your blog to the list. Feel free to add all your other blogs.
3. Tag other online friends you know.

Yesterday

1. Ginebra forums

2. Blog hopping, reading

3. Blog updates

4. Reports

5. Rest and watch PDA

6. Bonding with Hubby

Today

1. Chat with my bro

2. Ginebra updates

3. Skinny pants, long blouse, bronze flats

4. Blogging - comments, hopping, tagged

5. Documentation

6.  Church day

Participants : Gail/Adi / Momeen / Emmyrose / Dennis / Dette / Jirl / Janny / Nanay Belen / Carol / Something Purple’s cucina / Vanity Kit / Mind Bubbles / Stripe&Yellow / Something Purple / Em’s Detour / Spin180 / Wisdom City / MY Happy Place / IamDzoi / ClikTrik / I Love the Thirties / Ozzy’sMom / Me,Myself+2 / Kidd Designs / Fun|Fierce|Fabulous / Blogger Happy / Berry Scrappy / Everyday CHI / My Colorful World / Explore Manila / Random Thoughts / When SAHM-one Speaks / Deranged Insanity / Mighty in Spirit/ Straight from the Heart/ Simple Delights / Motherhood in a Nutshell / Love Is / Wonderful Things in Life / My Life’s Adventure / Photographic Memories / The Joy Of Life Forever / The Fountain Of Happiness / A Message From My Heart / Blessings and Beyond / dhangskiblogs /pixelse digital prints/sonnetshaven /Lambing lang ang katapat mo /Sagot ko ang kwento - wifeybee/(your blog here)

Ikaw ang tag-tarin ko :P  duskfading, callcentergal, mixglorioso and ifoundme:lol:

mula sa pananahimik

lintek, august na pala, ang bilis ng araw, tagal ko ring di nakagawa ng entry… :P namiss ko ang pagsusulat ng walang kwenta. namiss ko rin magbasa at dumalaw sa aking mga kaibigang blogero, kumusta naman kayo dyan?

in fairness, busy kasi ako these past few days, as if may pakelam kayo, hahaha… nag 1-day holiday rin kasi dito sa uae tapos tumapat din sa weekend, kaya medyo di ako nakagawa ng entry, syempre, i spent it with habibi nalang, di ba?… hay, bakit ba ako nag-eexplain, wala naman humihingi o nag-kecare, wahahaha…

ano na nga bang oras? wala lang, bago lang kasi ang relo ko :lol:
Photobucket esprit bracelet watch from habibi :)

pinoy sa likod ng kurtina (forwarded email)

Disclaimer: ang sumusunod na kwento ay hindi pangyayari para sa lahat ng pinoy sa uae… merong sinuwerte, merong hindi naman masyado… ang layunin lang nito ay maliwanagan ang ating mga kababayan na hindi puro sarap ang maging isang ofw… hindi rin nito layunin na siraan ang dubai, nasa inyo pa rin ang huling desisyon…

Over a thousand Filipinos arrive in Dubai every month. And why not?
Literally, the sun shines here all year round; prosperity is in the air; and it’s a place where people have reasons to dream of waking up in the morning as millionaires or with kilos of gold on their lap!

Yun nga lang, habang hindi pa nangyayari yun, iba ang nakikita ng maraming Pinoy pagdilat nila sa umaga — kurtina!

Betcha by golly wow! Paano ko ie-explain to fascinated Pinoys back home our living condition here!
Noong una akala ko isolated cases. But with the skyrocketing apartment rents in this City of Gold, such conditions are becoming the norm.

Sideways…sidesteps

Hindi yan dance step. That’s the latest move ngayon sa mga sharing flats. Sa sobrang liit ng space, patagilid ang galaw. Kaya minsan, mga ka-flatmates, hindi na magkakitaan. “Hoy, where have you bee n, ba? Hindi ka na umuuwi sa flat!” Kasi nga lagi silang naka-sideview!

Warning: Smoking is dangerous to your room.

Hindi health reasons ang dahilan bakit bawal magyosi, no! Ang styrofoam kuya!
Yes, naunahan ng Pinoy ang IKEA sa innovation na yan — Yes, styrofoam walls, styrofoam doors, styrofoam room. Di ba nga naman, styrofoam keeps you fresh! Para kang gulay, o kaya ice candy. Pero siguro mas feel mo minsan na ‘tuna’ ka, o di kaya ’sirena’ kung feel mong si Claudine ka.
“Ate, di ba fire hazard yan?” “Anong fire ka dyan? Rent ang mas nakakamatay dito!”
“Illegal ang partitions sa Dubai. At least ang styrofoam, pag nagkahulihan, mabilis sa baklasan. Gets mo?!!!” “Yes, Ate.”
Therefore, ‘no smoking’: ang sirena baka maging daing!
Burj Al ‘Cupboards’
Hindi lang Emaar Properties ang may ‘K’ na magtayo ng skyscrapers? Haven’t we heard, the Philippines is a major supplier of architects in Dubai ? In other words, nasa dugo natin yan! Kaya ba ng Arabong gumawa ng rooms out of cupboards, luggages and shoe boxes?
Dati sa airport lang bida ang mga luggages, ngayon multi-purpose na: dividers na rin sila — para ang isang kwarto maging lima!
Pampataas sila sa mga cupboards kasama ng mga shoe boxes na pinaka-antenna.
Siyempre, the taller the better — you keep your neighbor’s eyes away.

Now Showing

Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic!!! Parang barangay, complete with eskinitas. Kada bukas ng telon, parang movie — sari-saring life. May natutulog, may nag-eemote, may nka-curlers, may nakasimangot. Sa panlimang kurtina, may nag-totong-its, sa pang-anim, may naggugupit.
Ang gandang movie, di ba? “Ang Pinoy sa Likod ng Kurtina!”

Paraisong Kurtina


Ayyy! Our Paraisong Kurtina. It can make you laugh, it can make you cry.
Be proud of our Paraisong Kurtina. It exists because we’d rather send our money home than spend more for our comfort. Within its walls, lies our desire for a little privacy, our groans, our tears, our dreams, our struggle for some little savings. My curtain says a lot. It says, “I have saved again, inay; I’ll be able to send money next month.”
Dream mo pa bang pumunta ng Dubai ????
Mag isip-isip….

putek! sayang!

naranasan mo na ba na maiwanan ng bus na hinahabol mo na kung kelan nasa likod ka na nito ay bigla nalang umandar? putek, sayang! nangyari sakin yan nung isang huwebes, halfday lang kasi ako at wala akong carlift pag huwebes, kaya uber habol lagi ako sa oras para maabutan lang ang bus na pang 12:45pm, dahil kung hindi ko maabutan yun, malamang sa oo ay 2:30pm na ako ulit makakasakay. nakakahinayang talaga dahil napagod pa ako sa pagtakbo, pawisan na naiwanan pa… hahahaha…

pero walang sasayang dahil ngayong buwan, niregla na naman ako (paumanhin sa termino), regla na naman nabuo namin ni bebe ko. putek, sayang!!! :(

Photobucket

ang buhok

i have this long hair for years now, siguro 2003 pa mahaba ang hair ko. hahaha… before akong magpahaba, ang buhok ko ay “gupit siete” o kung tawagin ay “gupit-pogi”. naka-gel pa nga ako nun eh, tawag sakin diether ocampo, minsan naman amor powers (eula valdez sa pangako sa iyo, wehehehe). at mahaba pa buhok ni bebe sa buhok ko, wahahaha…

ngayon naman, naging super haba ng hair ko, hanggang pwet na! wehehehe, medyo nagupitan na kaya hanggang bewang nalang, nyak!

sa init dito sa dubai, medyo mahirap magpahaba ng hair kaya ako ay nagpagupit na :P

Photobucket before
Photobucket after

tinago ko yung ginupit na hair ko, remembrance ba :P buti nalang pinay yung gumupit sa akin, hindi na ako masyado nahiya magsabi na pakiipon yung buhok ko, hahaha… kaso ginto ang gupit dito, pumapatak na 800 pesos, gupit lang, lintek! hahaha…

what can you say about my hair? :P

doble trese

hulyo trese ng 2008, ang edad ko’y naging doble trese… napakasaya ng selebrasyong binigay ni bebe sa akin. friday palang, naghanda na sya ng salo-salo para sa mga kaibigan at kapamilya namin dito sa uae, umaga, nagtext sya sa mga kaibigan namin na may get together ng 430pm, merienda time. pumunta kami ng al falah plaza para bumili ng mga food na ihahanda, to sum it up, naghanda kami ng pizza and chicken and some sweets, nagluto na rin ako ng macaroni spag, pandagdag, hehehe….

Photobucketpizza, pasta & chicken
Photobucketnew look, ahaha

kainan, chikahan at kantahan ang salo-salo kung saan masaya ang lahat at natapos ng 12mn.
Photobucket

sabado, di ako pumasok, plano ko na talaga na hanggang linggo ang bakasyon ko, self-declared bday leave ba, hehehe… so natulog lang ako til 12noon, nagrelax at naghintay sa pag-uwi ni bebe. 730pm na, wala pa ang bebe ko, 7pm na ang pinakamatagal na pagdating nya, tawag ako ng tawag kasi nga naiinip na ako, hindi sumasagot. nung makontak ko, naglalakad na daw sila kasama nya yung kumpare namin na ka-flatmate din namin, wala akong in-expect o naisip na baka may surprise sya o kung anuman, basta excited lang ako para sa kinabukasan dahil aabsent din sya, hehehe…

pagdating nya, pawisan sila kasi nga 45 degrees ang init dito at naglakad pa sila, wala namang kakaiba sa mga kilos nya, nung kumakain na kami, sabi nya, bebe, wala akong gift sayo ha, sabi ko naman, ok lang no, maglalakwatsa naman tayo bukas pero bili mo ako ng cake ha! (nadistort kasi yung cake na binili namin nung friday kasi nabaliktad nya, hehehe). yun lang, after kumain, nagpahinga kami tapos sabi nya:

bebe: idlip muna tayo bebe, pero gisingin mo ako ng 12 ha
me: sige, pero bakit gigisingin pa kita?
bebe: wala, babatiin lang kita ng happy birthday
me: ngek, corny mo! hahaha…

sa madaling salita, nagising nga kami ng 12mn, binati nya ako ng happy birthday bebe! lumabas sya, sabi nya mag-cr lang daw sya, so ako naman, nag-ready to sleep na at humiga na pero nanunuod pa ako ng tv, tapos may kumatok sa pinto, binuksan ko kasi kala ko si mia (anak nila pareng caloy), babatiin siguro ako, pagbukas ko, nandun sila ate merz, pareng caloy, mia at bebe, may dalang cake with candle at gift at kumanta sila ng happy birthday, lintek, di ako nakahanda, nakapantulog na ako at nagtanggal na ng contacts at oily na ang face, hahaha, diko ma-express ang feeling ko, kala ko sa tv lang nangyayari ang mga ganun, hinipan ko na ang kandila pero nagwish muna ako, sympre secret ang wish ko, para magkatotoo, hehehe… na-overwhelm ako kasi marunong na talaga magsurprise si bebe at in fairness hindi ko sya nabuko unlike before na sa super excited nya, nasasabi nya ang mga surprises nya sakin…

Photobucket my beeday cake, di nakuhanan, yung pagblow ko ng candle, hehehe…
Photobucket di ako nakapaghanda, hehehe
Photobucket pocot family
Photobucket with bebe, ang oily ko, hahaha
Photobucket
Photobucket at syempre, ang gift nya nung oras na yun… walang kasawaan sa bag, hehehe…

kinabukasan, we started the day with praying the rosary, tapos naligo na kami, pinagshopping nya ako ng damitPhotobucket pero sya bumili rin ng sapatos (birthday din? )

dumaan sa simbahan, walang simba kasi 1130am yun, kumain kami in a pinoy resto, gusto nya kasi ng bulalo, wahahaha, parang sya may birthday ah, tapos naglakad lakad lang kami sa megamall, (yup may megamall din dito).

at matindi dun, kahit di ko naman pinabili, pinagpilitan nya ito:
Photobucket

bebe, salamat sa napakasayang kaarawan ko, love you very much. happy birthday to me!!!

my angel mamu

mag-tatatlong taon na mula ng lisanin mo ang mundo, apat na taon kang lumaban para sa amin, nilabanan mo ang sakit mo dahil ayaw mo kaming iwan. palagi naming tanong kung bakit ikaw pa ang nagkaroon ng ganyang sakit, bakit ikaw na mabait at matulungin ang nakaranas ng pahirap dahil sa sakit mong diabetes.

labas-masok tayo sa ospital nun, nawalan ka ng paningin, pero di naging sagabal ito para maging ina ka pa rin sa amin, tanggap ko na yun, pero nahirapan akong nakikita kang nasa dialysis room dahil humina na ang iyong kidney dulot ng kumplikasyon na rin ng sakit mo. dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo nasa ospital ka para sa session mo, ngunit kahit ganun ang kalagayan mo, pinilit mo pa ring mabuhay ng normal, hindi nawala sayo ang pagiging masayahin.

isang taon ang nakalipas mula nang i-dialysis ka, kadarating ko lang mula sa office nun, si utol umiiyak at tumakbo sa akin, hindi ka na daw humihinga, humagulgol kaming dalawa dahil wala ka na. malungkot kami ng kunin ka na samin ng Maykapal, pero masaya na rin kami dahil dyan sa lugar mo ngayon, wala ka ng sakit na mararamdaman, hindi ka na mahihirapan… :(

nangungulila ako sayo mamu, miss na miss ko ang lahat sayo, sayang lang at di mo na nasasaksihan ang mga pangyayari sa buhay ko, di ka na nakadalo sa kasal ko pero alam ko kahit wala ka sa tabi namin physically, patuloy mo lang kami ginagabayan sa bawat araw.

mahal na mahal kita mamu, miss na miss kita, anong handa mo dyan? maligayang bati sayo ha!

mamu - (july 6, 1954-october 22,  2005)

isang buwan

isang buwan na pala ang lumipas mula ng magkaroon ako ng blog, yehey! nakatagal din ako, hahaha… ano naman napala ko? hehehe… sa totoo lang, nakakalipas oras talaga ang pag-bloblog, im loving it since petiks ako sa work. napapagana ko pa ng konti ang utak ko sa paraan ng pag-iisip ng pwedeng mailathala (ang lalim, whoaa).

nakakilala ng kapwa blogger, natututo at nadadagdagan ang kaalaman sa pagbabasa ng blog ng may blog at tunay na nakakaaliw pag may bumibisita sa site mo.

sa isang buwan, naka 21 posts ako, pang 22 ito (whew), may 640+ na napadpad (mabuhay kayo!) at may 20 bloggers sa blogroll ko! (mahal ko kayo, kahit yung iba wala ako sa link nila, nyahahaha).

salamat sa mga napadaan, sa mga nagbigay kumento at sa mga nag-aksaya ng oras silipin ang blog ko. im so touched :P wag sana kayo madala sa pagdaan… hehehe

cheers for more entries to come… yahuuuuuuu !!!

***maligayang ika-2 buwan ng pag-iisang dibdib pala sa bebe ko …. may gagawin tayo mamaya ;)

desert safari

if you are in Dubai or wanting to visit Dubai, you should not miss the desert safari… ayos naman, wala akong bayad sa pag-endorse nito ha, hehehe…

the tour includes the ff:
pick up & drop off of a 4×4 land cruiser
dune bashing
camel riding
arabic costume
henna tattoo
shisha
belly dancing
and a buffet dinner (BBQ dinner)

we have this already last april 2008, at talagang nag-enjoy ako, ang saya ng binabalibag ka, ahaha… kung napanuod nyo yung movie na Dubai, eto yung kung saan nagsuka si John Lloyd (gross, hehehe). daig ko sya, dahil di ako nagsuka…

check out the pics ;)
Photobucket sa disyerto, hehe

Photobucket ang bigat daw namin sabi nung camel, haha

Photobucket

Photobucket

Photobucket ang sexy nya!

Photobucket one souvenir you can buy at the camp, it’s personalized, AED 45, pero natawaran namin, AED 40 nalang, hehe… it’s the seven sands, representing the 7 emirates of uae.

the tour costs around AED 150, kung group kayo of 6 persons, mas makakamura, AED 800 lang for 6pax, hehe…

hulyo naaaa!

excited ako pag july, kasi malapit na ang birthday ko… yipeeeee!!!

july kasi is my birth month
* cancer ang zodiac sign ko ( pero wala akong cancer ha, hihi )
* ruby naman ang birthstone ko… (rubee ang name ko, hindi dahil yan ang birthstone ko, dahil pinagsama ang nicknames ng papu & mamu ko, which is, rudy & baby, hahahaha)

ano kaya gagawin namin ni bebe? ahaha…

let’s enjoy life, another year will be added to mine, praise the Lord… :) Godbless us all dear bloggers…

barangay ginebra diehard

sino? ako? hindi ah :P

1. umiiyak ako pag talo (when i was younger), ngayon, mangilid-ngilid na lang luha ko. (matured na ko eh.)

2. todo cheer ako kahit sa tv lang ako nanunuod at tipong nagugulat mga kapit-bahay pag sumisigaw ako pag naka-shoot, kala nila may emergency sa bahay. … wag ka, nag-cha-chant pa ko ng GI-NE-BRA sa tapat ng tv… lintek yan Grin

3. ang sakit ng kamay ko after watching the game, todo palakpak kasi ako everytime maka-shoot at maganda ang play nila.

4. dasal ako ng dasal pag close games, tipong nag-sisign of the cross pa ako pag na-shoot ang bola at sabay sambit ng “Salamat po Diyos ko” .

5. todo tanggol sa team sa mga nanunukso, kantiin mo na lahat, wag lang ginebra ko.

6. apektado buong araw ko pag natatalo, feeling ko loser talaga ako Grin

7. nakapanood ako ng live kahit sang venue pa yan, araneta, cuneta at ynares hanggang sa dubai at walang pakealam sa pag-cheer kahit nasa tabi ko ay fan ng ibang team…

8. kinikilabutan ako pag pinapakinggan ko ang mga kanta ni gary granada, super proud ako at kinakanta ko pa mga kantang yan… hahahaha.

iba talaga pag kabarangay ka, walang sasaya pa sa mga panalo ng ginebra at walang lulungkot pag sila nama’y natatalo… parte na ng buhay ng kabarangay ang ginebra team…

kabarangay ako sa puso’t isipan…

superkittyman

kung sya ang superhero mo, magpapasagip ka pa rin ba?

Photobucket
naloka ako sa outfit, hehe

it’s a bird, errr… it’s kitty man……

pag-iisang dibdib

  • holy union
  • sacred institution
  • personal contract

Marriage is an important event for every couple who chose to live life together, it’s a seal for a long-lasting relationship.

It’s a gift from God,

Nagpakasal kami ni bebe para lalong pagtibayin ang aming pagmamahalan, pagmamahalan na buong puso at isip naming pinagsisigawan sa mundo. Pagmamahalan na pinagtibay ng basbas ng simbahan at batas. Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, kami na ay mag-asawa.

Walang sinuman ang maaring maghiwalay dahil kami’y pinagbuklod ng pagmamahal ng Diyos…

Photobucket

Maswerte ako at natagpuan ko ang lalaki na nais ko makasama habang buhay, ang lalaki na nais kong makita sa aking bawat paggising, ang lalaki na nais kong makabahagi sa aking lungkot at tuwa, ang lalaki na makakasama ko at patuloy akong mamahalin, kahit maputi na ang buhok ko…

wedding requirements (legal)

Since tapos na ako magpakasal, share ko lang…

Marriage is a legal bond, kaya may mga requirements and/or documents you have to prepare to present to the church (catholic wedding)

  1. Baptismal and Confirmation Certificates - you have to secure this documents since marriage (matrimony) is a sacrament, this will serve as evidence that you have already received the sacrament of baptism and confirmation before receiving the sacrament of matrimony. ( kelangan may tatak na “for marriage purposes only”, makukuha nyo to sa mismong church kung san kayo bininyagan at kinumpilan).
  2. Marriage License - makukuha to sa city/municipality hall kung san kayo nakatira, kung civilly married ka na, magbigay lang ng certified true copy ng marriage contract nyo with registry number ng lugar kung san kayo nagpa-civil.
  3. Canonical Interview - conducted by the parish priest, usually kung sino nag-interview sa inyo, yun ang magkakasal sa inyo (face to face confessions to usually, hehe, na-late nga kami sa interview eh, buti nalang di kami napagalitan, ayun, pinaghintay din kami, hahaha).
  4. Pre-marriage seminar - couples should attend this, may certificate ito na nagpapatunay na nag-undergo ka ng seminar, may seminar mismo dun sa church na pagkakasalan nyo kasabay ng ibang couples din na ikakasal (in our case, di kami umabot sa scheduled seminar ng church namin, kasi nga wala kami sa pinas, kaya sa ibang simbahan kami nag-seminar which is in Pasig pa. sa seminar na to, may love story sharing ang bawat couple, nakakatawa, nakakatuwa hehe).
  5. Marriage banns - para itong wedding announcement to be posted sa parish church ng couple, it should be posted for 3 consecutive sundays.

Yan yung mga hininging requirements sa min, other requirements depend on the church you wish to be married in. Inquire nalang kayo, hehehe…

pinoy expo

whoa, ang saya ng weekend namin, di kasi kami nakapagpahinga, di bale, nakapag-larga naman kami, hehehe… thursday halfday…

the 1st pinoy expo here was held in dubai, world trade center, hall 4, june 19-21, 1st day, pumunta kami, since halfday lang kami ni bebe, we had a chance to be with pinoy expats here in dubai, na super dami, hehehe… puro real estates ang mga stalls, walang mga damit damit, except for giordano and natasha, kala ko magiging divisoria dito, hindi pala, hehehe… there’s a mini concert, aed 10 (aed 1 = P 12) ang entrance kung manonood ka, may maliit na bakod lang, kaya yung mga hindi nagbayad ng aed 10, may chance parin makanood sa malayo, saka may big screen naman eh…

Photobucket

that day, si christian bautista ang scheduled performer, (friday - yeng, saturday - nina) ballad night, ok na rin, naka 5 songs sya, sa aed 10, pwede na.

Photobucket

blog design

shocks, sa kaka blog hop ko, nakatagpo ako ng mga kaparehong theme ko, wahahaha… ayoko ng ganito, gusto ko palitan ang blog design ko, hehehe…

ano kaya maganda? gusto ko green ang color, gusto ko rin hello kitty… ano kaya? hmmmm….

« Previous entries